KILLER ang dapat mamuno sa Bureau of Correction.
Ito ang tahasang sinabi ni Senador Bong Go sa isang panayam matapos niyang talakayin ang panukalang budget ng tanggapan ng Pangulo.
Ayon kay Go, ang sinumang karapat-dapat at papasa sa requirements para pamunuan ang BuCor ay walang iba kundi isang killer o mamamatay tao.
Bagaman tinanong at nilinaw kay Go kung anong klaseng killer ang kanyang tinutukoy, kung ito ba ay isang ex-convict o hindi ang tugon lamang niya ay isang killer.
Ibinunyag pa nito na galit na galit ang Pangulo sa usapin ng korupsiyon at kasalukuyan na siyang naghahanap ng papalit sa dating pinuno ng BuCor na si Nicanor Faeldon.
Bukod dito, ibinunyag din ni Go na maraming lumalapit sa kanya para maging testigo at isa na rito ang ihaharap niya sa pag-dinig ng Senado ukol sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Idedetalye ng nasabing testigo ang pagpapanggap na maysakit at pagpapaospital na nagiging daan ng korupsiyon at tuloy-tuloy na transaksiyon ng ilegal na droga na kinasasangkutan din ng mga bilanggong may drug case. VICKY CERVALES
Comments are closed.