ABRA – ARESTADO ang pumatay sa tatlo katao sa bayan ng Tubo makaraang masabat ito sa checkpoint sa Barangay Kili sa nabanggit na bayan noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Marlon Batuli na sinasabing top most wanted person(TMWP) sa Condillera Region at may warrant of arrest na inisyu ni Judge Elizabeth Bringas ng Regional Trial Court Branch 58 sa Bucay, Abra.
Base sa police report, sinasabing pinatay ni Batuli ang mga biktimang sina Jansen “Ayban” Gabaen, Ronnie Macayba at si Pedro Sauyen, pawang nangunguha ng igat malapit sa ilog ng Sitio Baclingayan, Brgy. Tabacda noong Mayo 27, 2019.
Nabatid na hindi nakauwi ang mga biktima sa loob ng isang linggo kaya pinagtulungang hanapin ng kanilang pamilya kung saan natagpuan naman ang mga bangkay ng tatlo na tadtad ng saksak ng patalim at bala ng baril.
Dahil sa naganap na masaker ay naagapan naman ang pagsiklab ng clan war sa Agawan at kalapit na mga Barangay Gueday, Lacmaan, Ambagiw at Tamboan sa bayan ng Besao.
Nauwi rin sa pangamba ng Baclingayan tribesmen ang nakaambang resbak ng pamilya ng mga biktima kaya lahat ng kanilang anak na nag-aaral sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Abra at Mt. Province ay pansamantalang ipinagil. MHAR BASCO