PAMPANGA – PATAY ang isang lalaki na suspek sa brutal na pagpatay sa isang 30-anyos na babae sa bayan ng Mabalacat.
Sa imbestigasyon, nakipagpalitan umano ng putok sa mga pulis si Samuel Feralta habang siya ay inaaresto ng awtoridad sa Barangay Camachilles.
Si Feralta ang itinuturo ng testigo bilang nasa likod ng pagpaslang kay Carmela Catindig, factory worker.
Si Catindig ay natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa kaniyang bahay noong Agosto 20.
Natagpuang hubad si Catindig at mayroong 38 saksak sa kaniyang katawan.
Ayon sa pulisya, nanlaban si Feralta nang siya ay aarestuhin na kaya nauwi sa barilan ang insidente.
Si Feralta ay may rekord din ng pagkakasangkot sa robbery incidents sa ilang establisimiyento sa Angeles City, Olongapo City, at Zambales. THONY ARCENAL
Comments are closed.