BATANGAS- DEAD on the spot ang isang lalaking sinasabing miyembro ng gun for hire syndicate at sangkot sa pagpatay sa isang Association of Barangay Councils (ABC) president nang makasagupa ang mga pulis sa Barangay Biliran, sa Nasugbu kahapon ng umaga.
Sa impormasyon ibinahagi ni Batangas Provincial Police Office Director Col. Edwin Quilates, ay kinilala ang suspek na si Reymises Fernandez, na tinuturong sangkot sa pag paslang kay ABC President Chairman Marlon Luansing.
Sinasabing natiyempuhan lamang ng mga intelligence operatives na nagsasagawa ng surveillance ang suspek.
Si Fernandez ay miyembro ng isang gun for hire group at sangkot sa mahigit 10 kaso ng patayan.
Tinangka pa umanong tumakas ng suspek kaya nagkaroon ng habulan na na nauwi sa palitan ng putok.
Matatandaang pinatay si Luansing sa Barangay Balintawak noong Disyembre 2018.
Umaasa ang mga awtoridad na ang pagkaka-neyutralisa kay Fernandez ay mababawsan ang mga kaso ng patayan sa lalawigan ng Batangas. VERLIN RUIZ
Comments are closed.