OCCIDENTAL MINDORO- IKINASA na ang massive manhunt ng Philippine National Police laban sa person of interest sa kaso ng pagpatay sa architecture student na si Eden Joy Villacete sa lalawigang ito.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, isang lalaki ang nakita sa closed-circuit television na naglalakad nitong madaling araw ng Miyerkoles malapit sa apartment ng biktima.
Hindi muna pinangalanan ni Fajardo ang person of interest hangga’t hindi nila ito nadadakip.
Sa ngayon, nag-alok na nang pabuya ang lokal na pamahalaan ng San Jose, Occidental Mindoro para sa makapagtuturo sa pumatay kay Villacete.
Umaasa naman si Fajardo na sa pamamagitan nito ay bibilis ang paghuli sa nasa likod ng krimen
Matatandaang natagpuang patay si Villacete sa loob ng inuupahang apartment nitong Biyernes ng umaga na walang damit at may 6 na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.
EUNICE CELARIO