KILLER NG BATANG BABAE NA NATAGPUAN SA KUWEBA ARESTADO

CEBU-NAARESTO na ang 18-anyos na binatilyo na pumatay sa 10-anyos na batang babae na natagpuan sa kuweba sa Talisay.

Ang binatilyo ay itinuro ng mga nakasaksi sa isang barangay sa bayan ng Minglanilla.

Ayon kay Talisay City Police Station chief, Lt. Col. Randy Caballes, ang suspek ay distant relative ng biktima at nagtatrabaho bilang construction worker malapit sa tahanan ng kanyang pinatay sa Brgy. Maghaway sa Talisay.

“Based on his account, he admitted to the allegation where he followed the child, choked her and pushed her to the water. When she lost consciousness, the suspect also said that he placed her inside the cave and shoved her feet covering the spot with rocks which we also saw at the crime scene,” ayon kay Caballes.

Wala namang detalyadong motibo sa pagpaslang habang tinitingnan kung bangag sa droga ang suspek nang ginawa niya ang pagpatay.

Ang pag-aresto ay naganap makaraang ilibing ang biktima.

Una nang nag-alok ng P100,000 si Mayor Sam Gullas sa makapagtuturo sa suspek.