CAMP CRAME- IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa ang stiffest penalty o matinding parusa sa dalawang pulis na itinurong pumaslang sa 15-anyos na dalagita sa Ilocos Sur.
“They are not men in uniform but animals who deserve to be jailed for life, walang awa, walang puso, walang kuwentang pulis,” galit na pahayag ni Gamboa laban kina SSg Randy Ramos at SSg. Marawi Torda na pawang naka-assign sa San Juan Municipal Police Station sakop ng nasabing lalawigan.
Inutusan na rin ni Gamboa ang Police Regional Office 1 na bigyan ng seguridad ang 18-anyos na dalaga, pinsan ng biktima napatay at mga pamilya nito.
Noong Biyernes, isinumite na ng Cabugao Municipal Police ang murder charges laban sa dalawang pulis sa Provincial Prosecutor ng Ilocos Sur sa ilalim ng NPS No.1-03-INV-20G-00217.
Una nang kinasuhan umano ng dalagitang napaslang si Torda ng Act of Lasciviousness habang ang kanyang pinsan na 18-anyos ay nagsumite rin ng rape case laban kay Ramos. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.