CAVITE – Isa sa dalawang drug trader na sinasabing suspek sa pagpatay sa 48-anyos na prosecutor nitomg Disyembre 31 ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa anti-drug operation sa Brgy. H2, Dasmarinas City, Cavite noong Biyernes ng gabi.
Isinailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Marvin Tagayon Linaban, 44-anyos habang sugatan naman ang kasama nitong drug trader din na si Elvin Esguerra, 40-anyos, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.
Base sa inisyal na police report na naisunite sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na naaresto sina Linaban at Esguerra sa ikinasang anti-drug operation kung saan si Esguerra ay kumasa at nakipagbarilan sa mga pulis kaya nasugatan mula sa tama ng bala ng baril.
Narekober sa mga suspek ang isang cal. 45 pistol na kargadKILLERo ng 8 bala, isang cal 9mm pistol na may 6 bullets, 10 gramo na shabu na may street value na P69K, at mark money na ginamit sa buy-bust operation.
Samantala, isinailalim na sa pagsusuri ng Cavite Provincial Forensic Unit sa Imus City ang cal. 45 pistol ni Linaban na sinasabing ginamit sa pagapatay kay Asst. Prosecutor Edilbert Mendoza noong Biyernes ng umaga (Dec. 31) sa harap mismo ng bahay ng biktima sa Trece Martires City, Cavite.
Ayon sa pulisya, inamin ni Linaban na binigyan siya ng P25K para sa pagpatay kay Fiscal Mendoza subalit hindi nito isiniwalat sa media ang pangalan na nagbigay sa kanya ng malaking halaga.
Kasalukuyang ikinasa ng mga operatiba ng pulisya ang sinasabing lider ng gun for hire group na sinasabing pangunahing sangkot sa pagpatay kay Fiscal Mendoza. Mhar Basco