KILLER NG MAG-ASAWANG NILOOBAN SA QC TIMBOG

Carl Joseph Bañanola

SA  loob ng 29 oras, arestado ang nanloob at pumaslang sa mag-asawang matanda sa Novaliches noong Linggo.

Si Carl Joseph Bañanola, 37-anyos, kasalukuyang nanunuluyan sa Caloocan City ay  naaresto na ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Joselito Esquivel.

Sinabi ni LTCOL Rossel Cejas, naaresto ang suspek  sa Doña Rita, Caloocan City bunsod ng hot pursuit operation ng mga tauhan ng QCPD Station  4 sa pakikipag ugnayan sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), Northern Police District Intelligence Division (NPD-DID) at ng Caloocan Police Station, bandang alas-7:00 ng gabi.

Alas-2:00 ng hapon nang matagpuan ang mag asawang  Nicolas Austria y Torres, 86, retired engineer at  Leonora Austria y Eduardo, 87, retired government employee na wala nang buhay at may tama ng saksak sa iba’t  ibang parte ng katawan habang ang kasambahay ng mga ito na si Editha Fer-nandez, 63, na nakahandusay sa dirty kitchen na nagtamo ng fracture sa ulo at mga pasa sa mga katawan sa bahay ng mga ito sa TS Cruz Subd., Brgy. San Agustin, ­Novaliches.

Ayon pa sa ulat, ang naturang isidente ay ini-report ng anak ng mga biktima na si Maria Liza Austria, 56, ng dalawin nito ang kaniyang mga magu-lang sa bahay nito at matagpuan ang kalagayan ng mga magulang sa tulong ng barangay na nakakasakop sa kanila matapos tulungan itong magbukas ng pinto.

Isang witness ang naturo sa kinaroroonan ng suspek, at kumpirmahin ang red shirt at short pants na nakuha sa crime scene ay sa suspek.

Nakuha mula sa suspek ang P16,100 na umano’y natitira na lamang mula sa P38,000 na ninakaw nito. PAULA ANTOLIN

 

Comments are closed.