ILOCOS SUR – NAILIPAT na sa Ilocos Sur provincial jail ang itinurong pumatay sa magkapatid sa Maynganay Norte, Sta. Maria noong gabi ng Agosto 16.
Nahuli ang suspek na si Roberto Torres Gapusan, 48, seaman, at residente ng Sitio Darurog, Maynangay Norte, Sta. Maria pagkatapos ng ilang buwang pagtatago nito.
Kasama si Gapusan sa top 10 most wanted person sa provincial level ng Ilocos Sur dahil sa two counts of murder na kinakaharap nito dahil sa brutal na pagkamatay nina John Glenn at Johanes Paul Taguibao noong Agosto.
Una rito, dumalo si Johannes Paul sa isang birthday party sa lugar ng suspek ngunit hindi na ito nakauwi pa kaya hinanap ito ng kaniyang kapatid na si John Glenn hanggang sa pinaniniwalaang nakita nito ang brutal na pagpatay sa kaniyang kapatid na ibinaon pa sa lupa ng suspek at mga kasamahan nito.
Dahil dito, tumakbo umano si John Glenn ngunit nakita ng isa sa mga kasamahan ng suspek kaya hinabol nila at pinagbabaril kung saan nagtamo ito ng walong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang rason ng kaniyang agarang pagkamatay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.