KILLER NG NEGOSYANTENG SI SYTIN KILALA NA

Dominique Sytin

ZAMBALES – MAKARAAN ang isang buwan, inanunsyo ng pulisya na tukoy na nila ang pumaslang sa chief executive officer ng United Auctioneers na si Dominique Sytin noong isang buwan.

Gayunman, ayaw pang pangalanan ng pulisya ang killer ni Sytin na binaril sa labas ng isang hotel sa Subic Free Fort noong Nobyembre 28.

Kasunod niyon, isang artist sketch ang inilabas upang agad madakip ang killer habang unang nag-alok ng P1 milyon para sa ikadarakip ng gunman.

Maingat naman ang pulisya para matunton ang killer hanggang ihayag ni Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na puspusan ang koordinasyon nila sa regional police sa Criminal Investigation and Detection Group, National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP).

Comments are closed.