KILLER NG PULIS SA MISAMIS ORIENTAL HINAHANTING NA

Killer

IPINATUPAD na ang massive hunting sa mga armadong grupo na nakalaban ng mga pulis mula sa Libertad-PNP na nagresulta sa pagkamatay ng police officer at pagkasugat ng isa pa kamakailan.

Si PSSS Ronald Caayupan, miyembro ng Libertad MPS, ay nasawi dahil sa tama ng bala sa kanyang kaliwang bahagi ng dibdib makaraang makasagupa ang limang lalaki na nag-tangkang tumakas sa police checkpoint sa Barangay Poblacion  alas- 8:39 ng gabi.

Si Police Chief Master Sergeant Fernando Maestrado ay nasugatan sa labanan.

Sa nasabing engkuwentro ay napaslang ang isa sa mga suspek na si Jephone Fabriga Tinamisan, 33-anyos, ng Ozamis City habang ang kaniyang kasama na si Richard Son Perez  ay naaresto. EC

Comments are closed.