KILLER NG TSERMAN AT TANOD TINUTUGIS

gunman

MASBATE – IPINAG-UTOS na ang massive hunting sa isang gunman na suspek sa pamamaril sa punong barangay at chief tanod sa Barangay San Marcos, Placer.

Tumatambay lang sa isang tindahan ang mga biktimang sina Kapitan Antonio Jose Aum kasama ang ta­nod na si Graciano Condrillon nang biglang pagbabarilin ng riding in tandem suspects.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima na agad na naitakbo sa ospital habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad naman na nakahingi ng tulong ang mga nakakitang residente kaya nakapagresponde ang mga pulis na nakipagbarilan sa mga suspek.

Patay naman ang isa sa mga gunman matapos na mapuruhan ng awtoridad, habang nakatakas naman ang isa pa na pinaghaha­nap na rin sa ngayon.

Samantala, hindi pa rin mabatid ng awtoridad kung ano ang posibleng motibo ng pamamaril sa mga biktima at kung sino ang nasa likod nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.