CAMARINES SUR – HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang gunman o bumaril kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at sa security escort nito na si SPO2 Orlando Diaz.
Maging ang driver ng motorsiklo na sinakyan ng gunman ay sumuko rin sa pulisya.
Si Henry Guanzon Yuson na isang rebel returnee at naging CAFGU member ay isa sa anim katao na idiniin sa Batocabe-Diaz double murder ay inaresto noong Huwebes ng gabi ng mga kagawad ng Albay Provincial Police Office sa koordinasyon ng 903rd Brigade ng Philippine Army sa bisa ng outstanding Warrant of Arrest para sa krimen ng Rape at walang nirekomendang piyansa na inisyu noong October 20, 2015 ni Hon. judge Ignacio C. Barcillano Jr. ng RTC Br 13 Ligao City.
“With the gunman in custody, we now have an airtight case that we will present in court to ensure successful prosecution of all accused,” ayon kay PNP Chief, Director General Oscar D Albayalde na nagtungo sa Bicol region kahapon.
Sa imbestigasyon ng PNP-Intelligence Group at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinabi ni Yuson na siya ang bumaril kay Batocabe at Diaz gamit ang cal.40 pistol.
Nabatid pa na nagbigay ng extra judicial confession sa harap ng abogado si Yuson hinggil sa kanyang nalalaman sa pagpaslang kina Batocabe at Diaz.
Samantala, sumuko naman si Jaywin Babor alyas Jie, noong Huwebes sa Provincial Prosecutor ng Albay.
Si Babor ay dating militar na driver ng getaway motorcycle na ginamit ng gunman. EUNICE C.
Comments are closed.