QUIRINO – ARESTADO na ang isa sa umano’y pumatay kay Fr. Richmond Nilo sa bayan ng Maddela.
Kinilala ng Quirino Provincial Police Office ang suspek na si Bernie Limpio na residente sa Arayat, Pampanga.
Magugunitang ang alagad ng Diyos ay pinaslang sa Zaragosa, Nueva Ecija noong buwan ng Hunyo.
Si Limpio ay nahuli makaraan ang ilang buwan ng manhunt operations ng pinagsanib na puwersa ng Quirino at Nueva Ecija Police.
Sinasabing natunton ng awtoridad si Limpio dahil sa pagbebenta nito ng ilegal na droga.
Isang tauhan ng PNP ang nagpanggap na buyer ang pinagbentahan ng suspek ng shabu na siyang dahilan para siya ay makorner ng mga operatiba ng PNP.
Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang utak sa pagpatay kay Father Nilo. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.