KILLERS NG PAMANGKIN NG SECURITY NI HONEYLET AVACENA NAILARAWAN NA

MAYROON nang cartographic sketch sa mga person of interest sa pagpaslang sa pamangkin ng close in security ng common law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avancena.

Mismong ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO) ang nagpahayag na hawak na nabuo na ang cartographic sketch at nasa mga kamay na ng binuo nilang Special Investigation Team .

Ang biktima ay si Claire Diergos ng Pavia, Iloilo, na natagpuan na tadtad ng saksak sa loob ng isang sasakyan sa Sta. Barbara, Iloilo.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Francisco Lindero, Jr., spokesperson ng IPPO, patuloy ang paghahanap ng awtoridad ng larawan na siyang ico-crossmatch sa resulta ng sketches.

Nilinaw naman ni Lindero na hindi pa maituturing suspek ang mga nasa sketch, ngunit kanilang tinututukan dahil sa kaduda-dudang galaw ng mga ito.