KILLERS NG RADIO BROADCASTER MAY IDENTITY NA

Eduardo “Ed” Dizon

TULOY ang case build-up ng awtoridad laban sa umano’y lima katao na  itinuturong nasa likod ng  pagpatay sa mamamahayag na si Eduardo “Ed” Dizon ng Brigada News FM sa Kidapawan City.

Sa updates ni Lt. Col. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, may limang suspek ang posib­leng samapahan nila ng kaso kaugnay sa Dizon murder.

Ang mga pansamantalang hindi muna kinilalang mga suspek  ay kinabibilangan umano ng dalawang namaril, utak sa pagpatay at dalawang kasabwat.

Nabatid  na hindi muna  isasapubliko ang pagkakakilanlan ng limang suspek dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng binuong Task Force kaugnay sa ihahaing kaso laban sa mga ito.

Hinala ng mga imbestigador na may kinalaman  sa politika at linya ng trabaho ang panguahing motibo sa pamamaslang.

Nabatid na kumandidatong municipal councilor si Dizon sa bayan ng Makilala, North Cotabato bagamat natalo ito ay may mga nakabanggang politiko ang biktima.

Isa pa sa mga anggulong tinututukan ng pulisya ay ang mainit na  pagtuligsa  ni Dizon sa mga investment scheme kung saan may nagbanta sa kanyang buhay na una niyang pina-blotter sa pulisya.

Ayon kay Joel Egco, executive director ng Presidential Task Force on Media Security, nagsasagawa na rin sila ng sariling pagsisiyasat. VERLIN RUIZ

Comments are closed.