CAMP CRAME- MARIING kinondena ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang New People’s Army (NPA) na unang umako na sila ang nasa likod ng pagpaslang kay FEU varsity player Keith Absalon.
Aniya, ang pagtanggi ng NPA na isuko ang mga tauhan nila na pumatay kay Absalon at pinsan nito, ay patunay na lang na hindi sinsero ang mga ito sa paghingi ng paumanhin.
Tiniyak ng PNP Chief na hindi titigil ang pulis at militar hanggang sa mahuli ang mga ito at mapanagot sa batas.
Hindi naman aniya nila talagang inaasahan ang mga pangako ng NPA na pananagutin ang kanilang mga tauhan sa kanilang krimen, dahil maraming marami nang inosenteng sibilyan ang napatay ng NPA na hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit ang hustisya.
Una nang tinanggihan ng pamilya Absalon ang paghingi ng paumanhin ng NPA at pangakong pagbabayad ng danyos sa kanilang krimen.
Siniguro naman ni Eleazar sa pamilya Absalon na gagawin ng pulis at militar ang lahat para makamit ang hustisya. EUNICE CELARIO
817662 105061Some truly nice stuff on this internet internet site , I like it. 529361
942218 391650I gotta bookmark this internet web site it seems very useful invaluable 768244