INANUNSIYO ni Metro Manila Council (MMC) chairman Edwin Olivarez na simula sa pagpapatupad ng Alert Level 3 quarantine classification sa National Capital Region (NCR), pababantayan ng Metro Manila mayors ang kilos ng mga kabataan upang hindi na muli pang kumalat ang impeksiyon na idinudulot ng COVID-19.
Sinabi ni Olivarez na ang paglilipat sa mas maluwag na Alert Level 3 quarantine classification sa NCR ay malaki ang posibilidad na magtungo ang mga kabataan sa mga mall at iba pang matataong lugar na posibleng pagsimulan ng panghahawa ng COVID-19.
Paliwanag nito, karamihan sa mga kabataan na may dala ng impeksiyon ng COVID-19 ay asymptomatic o walang ipinapakitang sintomas kung kaya’t maaaring maging “superspreaders” ng virus ang mga ito dahil hindi pa sila protektado ng bakuna laban sa COVID-19.
“Alam naman po natin ‘yung atin pong mga minor hindi pa ho sila bakunado. So, limited lang po ang paggalaw ng ating mga kabataan dito sa Alert Level 3,” ani Olivarez.
Sinabi ni Olivarez na ang mga kabataan na mas mababa ang edad sa 18 taong gulang ay papayagan lamang na makalabas para lamang sa mga esensyal na aktibidad at may medikal na rason.
Pinapayagan din ang mga ito na bumiyahe kung meron silang part-time na trabaho at mag-eehersisyo ngunit sa loob lamang ng kanilang subdibisyon.
“Yun lang essential muna habang tinitingnan natin ang pagbubukas ng ekonomiya na dahan-dahan. ‘Pag binigla po natin, ito po ‘yung kinatatakutan ng atin pong mga health worker na magkaroon ulit tayo ng surge,”dagdag pa nito.
Pinaalalahanan din nito ang mga business establishment na sumunod sa mahigpit na pagpapatupad ng mga safety at health protocols tulad ng pananatili ng 30 porsiyentong kapasidad sa dine-in at 50 porsiyentong kapasidad naman sa mga lugar ng al fresco para lang din sa mga fully vaccinated na mga indibidwal. MARIVIC FERNANDEZ
830138 421406An fascinating discussion is worth comment. I feel which you should write a lot more on this topic, it might not be a taboo topic but normally folks are not enough to speak on such topics. Towards the next. Cheers 646025
212854 941472Read More HERE. I bookmarked it. 604485
599939 196163As I internet internet site possessor I believe the content matter here is rattling magnificent , appreciate it for your hard function. You need to maintain it up forever! Best of luck. 470094
1334 726494hi and thanks regarding the particular post ive really been looking regarding this kind of info online for sum time these days hence thanks a good deal 217997
147572 298403Wow, incredible weblog structure! How lengthy have you ever been blogging for? you made running a blog look simple. The full look of your internet site is great, well the content material! 309