HINDI pinagbigyan ng Quezon City Police District (QCPD) ang kahilingan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan Muna na magsagawa ng kilos protesta sa Commonwealth Avenue QC sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 26, 2021.
Ito ay dahil na rin sa banta ng Delta Variant na COVID-19 na posibleng kumalat sa mga raliyista.
Ayon kay Ret. General Elmo San Diego, hepe ng Department of Public Order and Safety (DPOS), nagdesisyon ang QCPD na huwag payagan ang anumang rally dahil maaari umano itong maging super spreader event o pagkahawa ng virus.
Base sa Advisory ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong nakaraang taon, hindi papayagan ang anumang mga kilos protesta sa isasagawang SONA ni Duterte dahil sa banta ng hawaan n g COVID-19.
Ngunit papayagan pa rin daw ng QCPD ang mga raliyista na magtipon sa Freedom Park sa harap ng tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) para sa maikling programa.
Pero babantayan pa rin umano ito ng QCPD para matiyak na masusunod ang mga alintuntunin ng minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.
Una nang sinabi ng OCTA Research Group, bumibilis ngayon ang Reproduction Rate ng COVID-19 sa NCR.
Ito ang ginamit na batayan ng QCPD para ibasura ang kahilingan ng Bayan Muna na magsagawa ng kilos protesta sa SONA ng Pangulo sa Lunes. EVELYN GARCIA
502797 883609Some genuinely good and utilitarian info on this web website , likewise I feel the layout has fantastic capabilities. 241806
314527 340056Read more on that Post.Valuable information. 527959
172295 957913A thoughtful insight and concepts I will use on my internet site. Youve clearly spent some time on this. Congratulations! 915633
902051 97771Just what I was looking for, appreciate it for posting . 426239
884707 525308A truly fascinating examine, I may possibly not concur totally, but you do make some incredibly valid points. 683552