KIM ATIENZA KAPUSO NA

RIGODON de amor. Hindi na tsika kundi kumpirmado na ang balitang lilipat si Kuya Kim Atienza sa Kapuso Network. Sa report, daily ang kanyang programa ng GMA 7 at may araw na ng pictorial para sa contract signing.

Nagsimula ang pagiging TV man ni Kuya Kim noong 1987 sa RPN-9. Naging resident wea­therman naman siya ng TV Patrol noong 2005, sa ABS-CBN, kapalit ni Ernie Baron nang mamatay ito. Dito na rin siya naki­lala bilang Kuya Kim.

Naging host din siya ng weekly science-environmental educational program na Matang La­win, noong 2008, at na­ging bahagi ng noontime show na It’s Showtime at morning program na Uma­gang Kay Ganda. Sa kabuuan, naging Kapa­milya si Kuya Kim sa loob ng 16 na taon.

Ngayong talagang lilipat na siya sa GMA-7, saan pupwesto si Kuya Kim? Papalitan ba niya si Nathaniel Cruz, aka Mang Tani, ang resident meteo­rologist at weatherman ng top-rating news program ng GMA 7? Kung magkaganoon, saan naman ilalagay si Mang Tani?

Nanawagan si Kuya Kim sa kanyang mga fans na panoorin ang Friday edition ng TV Patrol, October 1, dahil mayroon daw siyang ihahayag na ihingi niya ng signs sa Panginoon. Hinihinala ng mga netizens na magpapaalam siya nang maayos upang ipaalam na hindi na nga siya Kapamilya kundi Kapuso na.

Nauna nang nagpa­alam si Kim sa manage­ment ng ABS-CBN, ang TV station na naging Kapamilya niya sa loob ng maraming taon. Ang opisyal na pahayag at pagsalubong ng GMA-7 kay Kuya Kim bilang bagong miyembro ng Kapuso Network ang dapat abangan sa mga susunod na araw.

Ang daming tanong, pero si Kuya Kim lang ang makasasagot niyan. Tulad nga ng lagi niyang sinasabi, “Ang buhay ay weather-weather lang”. —  KAYE NEBRE MARTIN

2 thoughts on “KIM ATIENZA KAPUSO NA”

  1. 426192 75986I see your point, and I completely appreciate your write-up. For what its worth I will tell all my friends about it, quite resourceful. Later. 226773

Comments are closed.