KIM CHIU, DRIVER LIGTAS SA PAMAMARIL

Pamamaril-kim chiu

QUEZON CITY – LIGTAS ang artistang si Kim Chiu at driver nito nang pagbabarilin ang kaniyang van kahapon ng umaga sa Katipunan Avenue.

Sa ulat ng Quezon City Poice District,  alas-7:34 ng umaga, sakay si Kim ng kanyang kulay itim na Hyundai H350 na may plate number na GAF 6474 na minamaneho ng kanyang driver na si Wilfred Taperla, 45-anyos, nang sila ay pagbabarilin.

Bumibiyahe sila sa nasabing kalsada at huminto sa CP Garcia stoplight at doon sila pinaulanan ng bala ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo.

Hindi naman nasaktan ang artista at drayber nito.

Tumakas ang gunmen patungong Barangay Old Balara habang ipinagpalagay na napagkamalan lamang ang dalaga ng umano’y hired killer. REA SARMIENTO

One thought on “KIM CHIU, DRIVER LIGTAS SA PAMAMARIL”

Comments are closed.