KIM CHIU MAY FRANCHISE NA RIN NG POTATO CORNER

KUMUHA na rin ng franchise ng Potato Corner si Kim Chiu na matatagpuan saentra eksena Waltermart, E. Rodriguez Ave. Tatlong negosyo na ang kasalukuyang pinatatakbo ng Kapa­milya actress at katuwang niya rito ang kanyang sister na si Lakam.

Pero bago pinasok ni Kim ang pagiging entrepreneur ay kumuha siya ng Business Management course sa UP Diliman. Mas maganda raw kasing magkaroon siya ng kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo at naging successful naman.

“I chose business management because I own several business franchises, including Ju­lie’s Bakeshop and Potato Corner. My sister Lakam has been managing these for some time now, but I want to try and manage one myself someday, like a restaurant or something,” Kim said, na owner din ng Bridal Boutique na Adorata Weddings na nasa P. Tuazon Cubao.

ROSANNA ROCES BALIK SA STAR CINEMA AT GAGANAP NA NANAY NI BEA ALONZO

SABI nga, once na you’re in-demand ay tuloy-tuloy na ito tulad ng nangyayari ROSANNA ROCESngayon sa career ni Rosanna Roces na kaliwa’t-kanan ang mga proyektong ginagawa sa telebisyon at pelikula. Ang latest niya na bukod sa te­leseryeng “Pamilya Ko,” na parte siya ng mala­king cast ay kinuha rin ng Star Cinema ang serbisyo ni Rosanna para sa pelikula nina Bea Alonzo, Richard Gutierrez at Ange­lica Panganiban na dinirek ni Mae Cruz-Alviar.

Gaganap si O­sang na mother ni Bea sa movie kaya’t chika sila ngayon ng mega controversial celebrity. Magsisilbi ring reunion movie nila ito ni Allan Paule na nakasama niya noon sa critically acclaimed movie na “Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya.” Gaganap silang mag-asawa sa nasabing latest movie. Very thankful pala si Osang sa Diyos at nabigyan ulit siya ng pagkakataon to work with Star Cinema na sobra niyang na-miss.

Ang huling movie niya sa nasabing movie outfit ay 18 years ago pa, ang “La Vida Rosa” with Diether Ocampo na dinirek ni Chito Roño na kumita ng malaki sa ta­kilya. Dito sa Bea movie ay maganda ang character ni Osang na isang masipag na nanay at mapagmahal na misis na gagawin ang lahat para mapasaya ang pamilya. Nagtatrabaho siya bilang clerk sa NSO na para matupad ang pinapangarap na negosyo ng mister na si Allan ay kung ano-anong raket ang pinasukan.

40TH ANNIVERSARY CELEBRATION NG EAT BULAGA  TULOY-TULOY

PAGPASOK pa lang ng 2019 ay namigay na ang Eat Bulaga ng brand new house and eat bulagalot. Noong April, isang brand new car naman ang napa-nalunan ng ma­suwerteng dabarkad, apat na motorsiklo naman ang premyong ipinagkaloob ng Bulaga noong June.

Kamakailan ay dalawang misis ang nagwagi ng house and lot mula sa BRIA Homes at ngayong buwan ay malapit ng i-announce  kung sino sa tatlong Dabarkads ang puwedeng manalo sa Agosto pensiyonado na P10K kada buwan. Tuloy-tuloy ang selebras­yon sa longest-running noontime variety show na Eat Bulaga at tuloy-tuloy rin ang pami-igay ng ma­lalaking papremyo.

Comments are closed.