KIM CHIU, PAULO AVELINO ROMANCE TOTOHANAN BA?

Niyanig ng performance nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang ABS-CBN Christmas Special 2024 sa Araneta Colleseum, kaya naman asang asa ang mga fans na totohanan na nga ang kanilang relasyon.

Pero sa tagal na namin sa showbiz industry, nagdududa kami dahil meron silang up­coming romantic come­dy movie na “My Love Will Make You Dis­appear.” Malamang, pakulo na naman ito. Lahat na lang kasi ng makapareha ni Paulo, inili-link sa kanya. Si Angel Locsin, si Janine Gutierrez, at ngayon nga, si Kim.

Lahat ng chica, namamatay pagkatapos ng TV series. Medyo nagtagal lang yung kanila ni Kim dahil nagsimula nga sa TV series na Linlang na nasundan ng What’s Wrong with Secretary Kim, and now, may movie pa. Akala tuloy ng fans, totohanan na, at bumuo pa ng “KimPau” love team.

Yung kay Angel, nang matapos ang The General’s Daughter natapos din ang romance. Ganoon din kay Janine. After Marry me, Marry you tapos na rin.

For the benefit of the doubt, malay natin, baka totoo nga. Okay lang naman dahil pareho silang single.

RLVN