KIM DE LEON, SHAYNE SAVA STARSTRUCK ULTIMATE SURVIVORS

CONGRATULATIONS kina Kim de Leon at Shayne Sava, StarStruck 7 Ultimate showbiz eyeMale and Female Survivors respectively, sa isang bonggang presentation ng original reality-based artista search ng GMA Network na gina­nap sa Studio 7 sa annex GMA building.

Inihayag namang First Prince and First Princess winners sina Allen Ansay at Lexi Gonzales respectively.

Sina Kim at Shayne ay tumanggap ng Php 500 thousand cash prize each, at tig-isang unit ng Lessandra Homes. Tumanggap din sila ng Php 5 million each GMA Network management contract.

Sina Allen at Lexi naman ay tumanggap ng tig-Php 250 thousand cash prize at management contract din with the other 10 avengers.

Special guest performer si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na nakipag-duet kina Shayne at Lexi ng “Kung Di Rin Lang Ikaw” at nakipag-dance exhibition naman  kina Kim at Allen.

Pansin ang pagiging emotional ng Council na si Jose Manalo at sina Ms. Cherie Gil at Heart Evangelista na may tears of joy nang humarap sa audience, hindi lamang sa mga nanalo kundi iyong naging bahagi sila ng tagumpay ng mga young hopefuls na makapasok sa industriya.

Umiiyak din si Kim (na hindi makapigil sa pag-iyak kahit nakangiti) at Shayne nang humarap sa press after the show.  Labis-labis ang pasasalamat nila sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang mga mahal sa buhay, fans at kahit ang mga kaharap na entertainment press, dahil sa pag-susulat daw sa kanila para makilala sila.

Wala nang problema si Shayne sa pamasahe, ‘di tulad noon na nanghihiram lagi ang lola niya na nagpalaki sa kanya, ng pamasahe nila mula sa kanila sa Binangonan, Rizal hanggang GMA kapag kaila­ngan niyang mag-report.  Si Kim naman ay labis ang pasasalamat na hindi na raw nila maibebenta ang bahay nila sa Balayan, Batangas, hindi na sila titira sa maliit na bahay, at mababayaran na nila ang mga utang nila.

Parehong magpapatuloy ng studies nila sina Kim at Shayne. Si Shayne ay nasa Grade 12 at tatapusin niya ito sa pamamagitan ng home study.  Nasa college naman si Kim.  Na­ngako rin ang dalawa na lalo nilang pagbubutihin ang pag-arte nila kapag binigyan na sila ng projects ng GMA Network.

MARTIN DEL ROSARIO THANKFUL NA NAKASAMA SI ALDEN SA SERYE  

THANKFUL si Martin del Rosario na kinuha siya sa “The Gift” para ma­ging MARTIN DEL ROSARIOkontrabida ni Alden Richards. Labis pala ang paghanga ni Martin kay Alden.

“Excited ako dahil first time kong makakasama si Alden,” kuwento ni Martin.  “Isa kasi siya sa mga artistang nilu-look up ko in terms ng ugali, personality.  Sa napapanood ko sa kanya, sa lahat ng success niya, lahat ng narating niya hindi lang bilang artista, kahit sa mga business, kung ano ‘yung ginagawa niya sa family niya, sobrang humble pa rin niya.

“Hindi siya tulad ng ibang artista na feel na feel ang pagka-celebrity, ‘yung ganoon.  Kaya excited ako na ngayon, makakasama ko na siya.”

Sa story, hindi alam ni Jared (Martin) na half brother niya si Sep (Alden) pero gagamitin niya ang gift nito sa ambisyon niya sa politika.

Nagsimula nang mapanood ang “The Gift” last Monday evening, after ng “Beautiful Justice.”

6 thoughts on “KIM DE LEON, SHAYNE SAVA STARSTRUCK ULTIMATE SURVIVORS”

  1. 492799 167322 Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to discover somebody with some original thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this website is something that is needed on the internet, someone with slightly originality. useful job for bringing something new towards the internet! 494056

  2. 330746 769786That being said by use it all, planet is truly restored a little far more. This situation in addition will this certain Skin tightening and starting to be moved and into the mood of these producing activities. daily deal livingsocial discount baltimore washington 399383

  3. 869343 163705You designed some decent points there. I looked over the internet for your issue and discovered most people will go along with together along with your web site. 38293

  4. 530728 433905Excellent read, I just passed this onto a friend who was doing a little research on that. And he actually bought me lunch because I found it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 377005

Comments are closed.