HINDING-hindi raw magagawa ni Kim Domingo na ipagpalit sa ibang shows ang Bubble Gang dahil sobrang laki ng utang na loob niya sa longest running gag show na napanonood every Friday evening sa GMA 7.
“Priority ko po talaga ang Bubble Gang, dahil simula nang makasama ako rito, maraming doors ang nabuksan sa akin,” say ni Kim sa 24th anniversary presentation ng BG.
“Kaya kapag may tinanggap akong show, ipinauuna ko na sa kanila na hindi ako puwede ng Mondays, dahil every Monday ang taping namin ng Bubble Gang.
“Thankful din ako sa Bubble …dahil kahit paseksi ako sa unang pasok ko rito, na wala akong restriction sa damit na isinusuot ko, ngayon ay pumapayag na silang tame na ng konti ang mga isinusuot ko sa show. Pero nandoon pa rin ang pa-sexy look ko. Doon po kasi ako unang nakilala ng audience namin.”
Magmula kasi ng maging mainstay na siya ng Bubble Gang ay dumagsa na rin ang kanyang blessing at dahil dito ay isa-isa niyang natutupad ang dream niyang maipagawa ng bahay ang sarili at pamilya.
Hindi rin niya makakalimutan ang magandang samahan nila sa Bubble Gang na mistulang para silang magkakapatid sa show.
Magsisimula ngayong Friday, Nov. 15 ang part 1 ng kanilang 24th anniversary presentation na may pamagat na The ScAvengers na sig-uradong ikagugulat ng mga followers ng gag show.
ANGELICA PANGANIBAN NAGPASAKLOLO PARA SA PAMILYA NA NASA PARIS
SA kanyang Tweet ay humihingi ng tulong si Angelica Panganiban para sa kanyang pamilya na nagbakasyon sa Paris.
Sa Twitter post ng actress ay kinuwento niya sinisingil ng 450 Euros ng taxi driver na sinakyan ng kanyang pamilya papuntang accommodation na malapit sa Eiffel Tower.
Hindi pumayag ang kapatid niya na magbayad ng sobrang laki dahil sobrang mahal ng sinisingil ng driver. Nagbakasakali si Angelica na baka may mga Filipino na naka-follow sa kanya na puwedeng mag-assist sa kanyang pamilya dahil hindi raw marunong mag-English ang driver kaya nahirapan ang kapatid niya na makipag-usap.
Mabuti na lang may isang Leo Lim na pinasalamatan ni Angelica kanyang post na siyang tumulong para makipag-negotiate sa taxi driver na ayusin ang problema.
Sa tulong ng Pinoy ay naayos at pumayag sa 160 Euros pero ang hindi maganda ay itinapon daw ito ng driver at hindi tinanggap.
Pinagsisigawan daw at minura pa ng driver ang ate at kuya ni Angelica at hinampas pa raw ang kamay ng kapatid niya nang makitang kinukunan ito ng photo.
Dahil dito ay nag-alala si Angelica sa kapakanan ng kanyang pamilya dahil alam ng driver ang pinaghatirang accommodation ng kanyang pamilya.
Naghihintay ng tiyempo ang kapatid ni Angelica para makapag-report sa mga police at saka lilipat ng bagong accommodation para hindi mabalikan ng bastos na driver.
Gustong magpunta agad ni Angelica ng Paris para damayan ang kanyang pamilya at para na rin ireklamo ang naturang driver.
Himutok pa ni Angelica sa kanyang tweet, @angelica 114, “Pumapayag akong sinasaktan at ginagamit ako. Pero hindi uubra kapag ginawa mo sa pamilya ko. Hustisya!!!
“Gusto kong lumipad ng Paris ngayon at maghanap ng away!!! Lintek! Wag, pamilya ko gunggong ka!! Ipapahanap kita!” (GANUN? IPAHAHANAP TALAGA—ED)
Comments are closed.