KIM DOMINGO INAMING SIYA ANG NAKIPAGHIWALAY SA BF

Kim Domingo

DIRETSANG sinabi ng sexy Kapuso actress na si Kim Domingo na siya ang wallfacemismong nakipaghiwalay sa kanyang long-time partner na si Mike Acuna. Ika nga, si Kim ang masasabing “The One That Got Away.” Tila dumating daw sa relasyon nila ni Mike ang saturation point.

Hindi naman daw sa may third party o hindi na nila mahal ang isa’t isa at lalong-lalo nang hindi nagkasawaan kundi dumating lang daw sa punto na nangailangan ng space si Kim. Naghiwalay naman daw sila ng maayos ng da­ting ka-live in partner ay naging maa­yos naman daw ang proseso nito.

Sa nga­yon ay tutok na muna si Kim sa kanyang showbiz karir. Kung matatandaan ay kainitan ng karir ni Kim nang dumating sa buhay niya ang boypren. At si­mula nga nang nagsama silang dalawa ay tila nagkaroon naman ng pagbabago sa tinatakbo ng karir ni Kim.

Nagbago siya ng image at lumayo sa pagpa-sexy na kahit aminin man niya o hindi ay naging malaking factor dito ay ang sobrang pagmamahal niya sa boypren. Kung kaya nang matanong si Kim kung may chance pa ba na tanggapin niya ang dating boypren kung liligawan siya nito muli, say ng sexy actress ‘di raw niya masasabi kung ano ang mangyayari, ‘di naman daw kasi siya ang tipo ng babaeng nagsasara ng pinto at kung talagang sila pa rin ni Mike ay tanggap ito ni Kim.

CHRISTIAN BAUTISTA MAS MAGIGING ISTRIKTO SA “THE CLASH SEASON 2”

PARA sa sa judge ng “The Clash” na si Christian Bautista, ibang klaseng atake na CHRISTIAN BAUTISTAnaman ang ibibigay niya sa mga komento niya sa mga contenders ng “The Clash: Season 2” na mapapanood sa GMA-7 every Saturday and Sunday night.

Aminado ang singer/actor na naging istrikto siya sa pagju-judge noong first season ng naturang singing competition. Pero ngayon sa 2nd season ay mas magiging istrikto at mahigpit na siya bilang isang hurado.

Dagdag ni Christian, sa dami raw ng magaga­ling na contenders nga­yon sa 2nd season ay tila labanan na raw talaga ito ng mga magagaling at payo ni Christian sa mga ito na mas ilabas pa ang naitatagong talento sa pagkanta at iwasan ang pagiging sobrang emosyonal dahil sa mga hindi inaasahang resulta ng mga ito.

Sa 64 na magsisi­mulang contenders, kalahati sa mga ito ay ‘mawawala’ agad sa kompetis­yon at si­gurado si Christian na babaha ng emosyon sa mga araw na iyon.

Comments are closed.