PLANTSADO na diumano ang pagiging Kapuso ni Derek Ramsay kahit pa ilang beses din itong naunsyami dahil sa ilang ‘gusot’ na dapat munang ayusin ng kampo ni Derek.
Sa kanyang pagiging Kapuso ay lumabas ang mga tsikang isang proyekto na kasama si Jennylyn Mercado o kaya si Heart Evangelista ang maka-kasama ni Derek sa kanyang kauna-unahang teleseryeng gagawin sa Kapuso Network.
Pero lumabas lately ang tsikang hindi para kina Jennylyn o Heart kasama si Derek ang proyektong niluluto ng GMA 7, kundi si Kim Domingo di-umano ang napipisil ng management na itambal kay Derek. Malamang isang sexy comedy ang naturang teleserye. And speaking of Derek, tila malabo pa ngang pakasalan niya ngayon taon ang non-showbiz girl-friend niya. Naging maugong kasi ang tsika na balak na daw ni Derek at ng gf na lumagay sa tahimik.
Sa pagiging busy ni Derek ngayong taon dahilan na rin sa pagpasok niya sa bakuran ng GMA7 at mga pelikulang na-katakda niyang gawin, sig-uradong mauudlot ang balak na kasalan na ito kung mayroon man.
MISS MANDALUYONG, AT BILBILING MANDALUYONG 2019
MORE THAN JUST A BEAUTIFUL FACE
ISANG malaking tagumpay na naman para sa siyudad ng Mandaluyong City sa pamumuno ng masipag at butihing mayora na si Mayor Menchie Abalos ang ginanap na Miss Mandaluyong 2019 at Bilbiling Mandaluyong 2019 kung saan ay pinatunayan ng mga bawat kandidata ng dalawang beau-ty pageants na hindi lang sila beautiful faces, kundi mga kandidatang may talino at pusong nakalaang tumulong para sa kanilang mga kapwa Man-dalenyos.
Wagi at kinoronahan si Abegail Pablo ng Brgy. Addition Hills bilang Miss Mandaluyong 2019 at siya ang namumuno sa lahat ng scholars sa lung-sod kung saan noong kabataan niya ay naging member din siya nito at nakatapos ng kolehiyo sa pamamagitan ng scholarship.
Siya rin ang pambato ng siyudad para sa parating na “Miss Millenial 2019” ng taunang patimpalak ng pagandahan ng number one noontime show ng bansa na “Eat Bulaga”.
Samantala, pinatunayan naman ng Bilbiling Mandaluyong 2019 na si Ms. Larie Manaysay ng Brgy. Buayang Bato na hindi porke’t may plus size ay healthy naman siya sa pamamagitan ng pagiging isang aktibong member ng Taekwando Mar-tial Arts. Ani ng bagong Bilbiling Manduyong, determi-nasyon lang ng isang tulad niyang ‘bigatin’ na kahit mahirap ay kakayanin niya ring pasukin ang mundo ng martial arts at ito naman ay kanyang na-patunayan.
KEN CHAN TUMATATAK SA MANONOOD ANG MGA GINAGAMPANAN
UNANG napansin sa teleseryeng “Destiny Rose” bilang isang transgender woman si Ken Chan. Naging maingay ang kanyang pangalan at nakita ang kanyang angking galing sa pag-arte. At ngayon naman ay tila hindi na paawat ang tuluyang pagsikat ni Ken Chan dahilan na rin sa “My Special Tatay”.
Grabe ang hiyawan at sigawan kay Ken sa tuwinang may show siya kahit saan man parte ng bansa. Kahit bagets at mga bata ay kilala na si Ken, hindi sa kanyang pangalan nakikilala ng mga bata si Ken, kundi sa kanyang pagiging isang men-tally disabled na si Boboy, ang karakter niya sa “My Special Tatay”. Masasabing isa si Ken sa masuwerteng male actor ng Kapuso Network dahilan sa nabibigyan siya ng mga role na tatatak sa televiewers.
Comments are closed.