ISA sa talagang pangarap noon pa man bago pumasok ng showbiz ay magkaroon ng sariling tahanan si Kim Domingo. Katakot-takot na hirap kasi ang kanyang dinanas noong kanyang kabataan kung saan ang lola niya lang ang nagpalaki sa kanya at naranasan na paalisin ng bahay na inuupahan dahil sa hindi pagkakabayad ng renta.
Pagkatapos ng halos 3 taon na pamamalagi sa showbiz ay magpapatayo na nang sariling bahay si Kim at kasama na rin dito ay ang paglalagay niya ng sariling closet para sa mga naipon niyang mga personal na bagay-bagay. Reward na maituturing kasi ni Kim ang pagkakaroon ng sariling closet para makita niya ang mga gamit noon na pinapangarap lang niyang masuot pero ngayon ay pag-aari na niya.
Sa mga detractor ni Kim, iba ang dating nito para sa kanila, maikling panahon lang daw ang 3 taon para magpatayo ng sariling bahay knowing din na hindi naman daw ganoon kalaki ang kanyang talent fee. Ayon naman kay Kim, lahat ng perang gagamitin niya sa pagpapatayo ng sariling house ay galing sa sarili niyang kayod at pinagpawisan daw niya ito. Inipon para matupad ang pangarap.
Tulad ng pagtupad niya ng pangarap ay smooth-sailing din ang lovelife ni Kim sa kanyang non-showbiz basketball player at halos magdadalawang taon na rin sila. Ang sikreto ng tumatagal nilang relasyon ng boypren, ayon kay Kim ay ang pagiging loyal and honest niya sa karelasyon.
Sa ngayon ay abala si Kim sa regular niyang show na “Bubble Gang” and guestings sa mga GMA show tulad sa “Inday Will Always Love You”.
KIM CHIU MAGPAPAKA-DARING NA RIN
INAMIN ng nanalong Female Pop Artist of the year 2018 sa nakaraang PMPC Star Awards for Music na si Kim Chiu na sa sobrang pagkabigla niya noong natawag ang kanyang pangalan bilang winner ng naturang category ay nagblack-out siya kung kaya wala siyang napasalamatan masyado.
Hindi kasi ini-expect ng Kapamilya young actress na siya ang mananalo. At nagkataon pang isa siya sa host ng naturang event that night.
Ani Kim, sa pamamagitan ng kanyang social media account na hindi man talaga siya isang masasabing singer ay ginagawa niya ang lahat para makapag-entertain at mabigyan kasiyahan ang mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan. at sa naturang account din ay pinasalamatan na ni Kim ang lahat ng taong malapit sa kanyang buhay at sa kanyang showbiz career.
Tsika na isang bagong-bagong Kim Chiu ang mapapanood ng kanyang mga tagahanga sa bagong teleseryeng gagawin sa ABS-CBN, matured na raw ang magiging role dito ni Kim. kaabang-abang ‘yan.
Comments are closed.