KINA GM BALUTAN AT SANDRA CAM

rey briones

NAKALULULA na, Suki, ang premyo sa Ultra, o ang 6/58 draw ng lotto.

Aabot na yata ng P650 milyon nitong bola mamayang gabi o maaaring higit pa pagsapit ng bolahan sa Biyernes at Linggo.

‘Yan, Suki, ay ‘pag wala pa ring tumama nitong buong linggo.

Ang tanong:

Paano kung umabot na ang premyo ng isang bilyong piso… o higit pa, ha?

Ganyan lang ba ‘yan?

Hintayin lang ba hanggang sa mayroong tinamaan ng kidlat, este napuntirya ng suwerte?

Wala bang gagawing pambalanse ng suwerte ang pamunuan ng PCSO?

Gaya ng pagtaas ng premyo ng mga nakakuha ng tatlo, apat hanggang limang numero.

Kaya naman ay magsahog ng konsolasyon sa mga ‘di pinalad sa “anim sa 58” na numero.

Pero nahagip naman ang lima, apat o tatlong numero sa kanilang mga taya.

oOo

Sa London, Suki, matik na may raffle number ang ‘yong tiket ‘pag tumaya ka sa lottery doon.

Kung higit sa isang kumbinasyon ang ‘yong tatayaan ay ganun din ang bilang ng ‘yong raffle numbers.

Derpor, kung walang tumatama sa dyakpat ay tiyak namang mayroong mananalo sa raffle draw kada araw ng bolahan.

Na ang ibig sabihin ay dalawa ang tsansa mo sa bawat taya – sa premyong dyakpat at sa pa-raffle.

Kaya tuwing bolahan, Suki, ay may bumabalik sa mga tumatangkilik ng loterya.

Tanong kay GM Balutan: Puwede ba natin gawin ‘yan dito sa maralitang lahi ni Juan, ha?

Para naman hindi himatayin sa galak ang sinumang mapalad na Suki na tumama ng halos bilyong pisong dyakpat ng Ultra lotto.

Puwede rin marahil, GM Balutan Sir at Madame Sandra Cam, na ambunan n’yo ng grasya ang mga kinapos ng suwerteng tatlo, apat o limang numero lang ang nahagip ng kani-kanilang mga tiket.

Ang ibig ko pong sabihin ay baka puwede pong taasan n’yo ang premyo ng mga tumama ng tatlo hanggang limang numero lang.

Sa ngayon kasi, Suki, ay balik-taya lang ang mapapala mo sa tinamaang tatlong numero.

At daang-piso lang din yata sa apat na numero.

Talo pa, Suki, kasi mayroon ng buwis.

Comments are closed.