KINAHIHILIGANG ACTIVITY NG MGA BATA

BAKING-2

(ni CS SALUD)

MAHILIG maglaro ang mga bata. Kahit pa galing sila sa school, pagdating sa bahay ay naglalaro pa rin ang mga ito. Hindi nga naman maihihiwalay sa mga bata ang kahiligan nilang maglaro. Hindi mo rin sila mapipigil sa nais o hilig nila.

Bilang magulang, isa rin naman sa dapat nating siguraduhin ay ang paglalaan ng panahon sa ating mga anak. Abala ang marami sa atin sa pagtatra-baho at pag-aasikaso ng mga pangangailangan ng pamilya. Pero sa kabila ng ating kaabalahan, mahalagang tinitiyak nating may panahon tayo sa ating mga anak. Sa pagbibigay kasi ng panahon sa mga anak ay napapalapit sila sa atin. Nalalaman din natin ang kanilang mga nararamdaman. Sa pamamagi-tan din ng pagbibigay natin ng panahon sa ating mga anak ay naipadarama natin ang pagmamahal natin sa kanila.

At kung panahon lang din sa anak ang pag-uusapan,maraming fun games o nakatutuwang activities na maaari nating subukan. Ilan nga rito ay ang mga sumusunod:

SCAVENGER HUNT

Isa nga naman sa kinatutuwaang laro o activity ng mga bata ang scavenger hunt.

Bukod nga naman kasi sa exciting ang paghahanap ng mga bagay-bagay o laruan ay natuturuan pa nito ang mga batang maging pasensyoso.

Kaya naman, kung nais mong mag-enjoy ang inyong mga anak ay subukan na ang scavenger hunt. Swak na swak nga naman ang scavenger hunt hindi lamang sa mga bata kahit na sa matatanda.

OBSTACLE COURSE

OBSTACLE COURSEIsa pa sa kinahihiligan ngayon ng mga tsikiting ang obstacle courses. Challenging nga naman ito.  Mapaiisip din ang mga bata kung paano nila mala-lampasan ang mga obstacle. Napakahilig din ng mga batang magtatakbo.

Para naman hindi mahirapan ang mga bata, i-adjust ang course sa edad ng iyong anak o ng mga bata.

SCIENCE EXPERIMENT

Hindi lamang matatanda ang nahihilig mag-eksperimento. Sa panahon ngayon, ma­ging ang bagets ay ginagawa na ito. Sa mga eksperimento nga lang na kanilang gagawin, dapat ay may kasama o gumagabay na mas matanda.

Kung mahilig sa mga experiment ang anak, swak na swak gawin ang activity na ito. Bukod sa may matututunan pa ang iyong anak ay mag-e-enjoy pa kayo.

Marami rin namang mabibiling mga che­mistry kit sa book store o pamilihan. Piliin lang din ang mga experiment na safe gawin sa bahay.

MAG-BAKE O GUMAWA NG SNACK ARTS

Isa rin sa maituturing na activity na kinahihiligan at kinatutuwaan ng mga bata ang pagbe-bake o pag­luluto.

Mas mainam din kung habang bata pa ang mga anak ay natuturuan na sila kung paano ang magluto nang sa paglaki nila, hindi na sila mahihirapan.

Kaya’t isang acti­vity na swak sa buong pamilya ang pagbe-bake o kaya naman ang paggawa ng snack arts.

PENCIL AND PAPER GAMES

Marami tayong puwedeng gawin kasama ang ating mga anak. Pero mas masaya kung ang activity na maiisip natin ay kakukuhaan nila ng aral o may matututunan sila. Kaya naman, isa sa magandang bonding ay ang pencil and paper games. Puwede mong pahulaan sa anak mo ang isusulat mo o igug-uhit mo. Puwede rin namang paunahan kayong makapagsulat ng mga salita, pangalan o lugar na nagsisimula sa naiisip ninyong letra. Magandang bond-ing ito at nahahasa pa ang kaalaman ng inyong mga anak.

CARD GAMES AND PUZZLES

Isa rin sa maganda at kinahihiligan ng maraming bata ang card games. Magandang laro ito para ma-challenge ang isipan ng ating mga anak. Magan-dang pa­raan din ito para makapag-isip sila ng mabilis at matandaan ang kahit na maliliit na detalye.

Kung may, pencil and paper at card games, hindi rin magpapahuli ang puzzles. Dito lumalabas ang pagiging creative ng ating anak. Bukod din sa card at puzzle games, mainam ding subukan ang word games.

Masaya itong laruin kaya’t tiyak na mag-e-enjoy kayong gawin ito.

STORY GAMES O STORY TELLING

STORY TELLINGIsa rin sa magandang gawin ay ang pagbabasa ng mga story. Sa ganitong paraan, mailalapit mo na ang anak mo sa libro at pagbabasa, mahahasa mo pa ang kaalaman niya sa pagtanda ng mga bagay o narinig niya. At sa tuwing matatapos kang magbasa, dapat ay may nakahanda kang mga tanong tungkol sa binasa mong kuwento at kailangang masagutan nila iyon.  Tanungin mo rin sila kung ano ang masasabi nila sa pagkakasulat o ang pagkakasa-laysay ng kuwento. Fun na, matututo pa ang ating mga anak.

CHESS AT SCRABBLE

Isa pa sa strategy games na puwede na­ting gawin ay ang chess. Isa pa ito sa nakapagpapahasa ng kaalaman.  Hindi nga naman simple ang larong ito dahil kailangan mong gamitan ng utak.

Kaya, isama ito sa kinahihiligan ninyong gawin. Isa rin ang scrabble sa nakatutuwang gawin. Kailangan nga naman kasing mag-isip ng ating mga anak ng salita.

Isang magandang paraan ito para tumalas ang kanilang isipan at maging pamilyar sila sa maraming salita.

Napakarami nating puwedeng gawing activity kasama ang ating mga anak.

Magkakapag-bonding na kayo, matututo pa sila. Kaya naman, kung nag-iisip ng mga fun o masasayang activity kasama ang anak, subukan na ang mga ibinahagi namin sa inyo. (photo credits: Google)

30 thoughts on “KINAHIHILIGANG ACTIVITY NG MGA BATA”

  1. 99459 63061Aw, this was an exceptionally nice post. In concept I would like to place in writing such as this moreover – spending time and actual effort to create a exceptional article but so what can I say I procrastinate alot through no indicates uncover a strategy to go completed. 636166

  2. If you’re looking for a little more space, a small house might be a better option (versus a tiny one). No matter the size you’re planning on, keep in mind that the cost to build a house averages between $100 and $200 per square foot. 903.593.6300 Zillow Group is committed to ensuring digital accessibility for individuals with disabilities. We are continuously working to improve the accessibility of our web experience for everyone, and we welcome feedback and accommodation requests. If you wish to report an issue or seek an accommodation, please let us know. And if you’re not sure how much to pay for your new home, check out this article for some insight. Every product is independently selected by editors. Things you buy through our links may earn New York a commission. Tiny houses take the pros and cons of small house living to their extreme. Compared to the average house, or even a more normal small house, a tiny house gives you less of everything: less space, but also less expense, less maintenance, and less energy use. https://sargas.invx.net/community/profile/reyesleake15495/ Hi, How do we get the contact information for the Tiny Houses that are for sale? On the other hand, if your research into tiny houses is leading you to think you’re more interested in building one of your own from the ground, make sure to take a look at these articles: first, this guide to buying the right plot of land, followed by this comprehensive list of criteria you’ll want to keep in mind when you’re choosing the right tiny house builder for your project. On the other hand, if your research into tiny houses is leading you to think you’re more interested in building one of your own from the ground, make sure to take a look at these articles: first, this guide to buying the right plot of land, followed by this comprehensive list of criteria you’ll want to keep in mind when you’re choosing the right tiny house builder for your project.

Comments are closed.