KINAPOS NG POWER SI MANOY

doc ed bien

(PART 1)

MANOY talaga ang tawag sa kanya sa aming probinsiya sa Bicol! Una dahil siya ang pinakamatanda sa anim (6) na magkakapatid. Pangalawa ay dahil siya ang nilala­pitan ng lahat sa barrio dahil siya lamang ang nakapagtrabaho abroad noong early ‘70s at OCW pa ang tawag sa mga OFW.

May 12th bago sumapit ang alas-12 ng hatinggabi ay nakatanggap ako ng emergency call. Hindi makahinga ang aking 83 y/o na ama.

Kagagaling lamang niya sa “ilawod”. Dinala siya sa isang hospital sa Caloocan na walang kagamitan. Tinawagan ko ang aking mga UST GBE Fraternity brods, gaya ni ASEC Dr. E. Punzalan para humingi ng payo.

Ipinalipat siya ni Dr. D. Bernabe, Cardio Fellow under the care of Dr. T. Panlilio, isang top notch Cardiologist ng PHC.

May bara sa kaniyang mga ugat sa lumalaki at humihinang puso. Dahil sa kaniyang kondisyon na pulos plema ang baga ay ini-refer siya kay Dr. W. Del Poso. Ipinagpaliban ang anumang procedures at ipinasok siya sa ICU bago mag-umaga dahil sa lubhang panghihina.

Now I can talk about this dahil nakaraos na siya sa tulong at gabay ni Lord. This is also cathartic for me dahil higit sa 1 buwan ang aking kawalan ng tulog at ganang kumain. Nakatuon sa amin ang atensiyon ng lahat ng kamag-anak. Hinahantay ang bawat resulta ng laboratoryo at hinihimay ang bawat desisyon ng mga doktor. Ang aking ama ang naging takbuhan ng halos lahat noong kaniyang kalakasan. Nga­yon siya ang kinakapos ng power, gaya ba ng isang gasera na nauubusan na ng kerosin. Parang flashlight na wala ng baterya at ang liwang ay humihina.

SI MANOY SA ICU

Naghalo ang ­aking kaba, pagod, puyat at bigat na dalahin, bilang panganay rin ang responsibilidad sa aming ama. Bundle branch block ayon sa ECG. Ibig sabihin hindi dumadaloy ng tama ang koryente sa puso.  COPD ayon sa X-ray. Ibig sabihin barado rin ang tubong dinadalu­yan ng hangin sa baga. Anemia, electrolyte imbalance, blood acidity at tumataas na Crea­tinine o lason mula sa kidneys ang dagdag na mga problema.

Matindi ang kaso pero nanaig ang aking training bilang doktor. Kailangan maging objective at isantabi ang emosyon.

“Let’s proceed muna Doc Ted, if okay with you sa conservative management,” turan ko sa kaniyang Consultant, to which I am grateful he fully agreed. Ipinasok siya sa ICU para mabanta­yan ng mabuti ang vital signs. Mababait ang mga residente at nurses na tumulong sa pag-aalaga. Ramdam nila ang tensiyon ng isang kabaro sa industriya. Alam kasi namin kung ang isang pasyente ay bibigay na.

MANOY

THANK YOU LORD!

Ilang linggo rin kaming natutulog sa silya. Ang hirap kayang matulog ng dilat ang isa mong mata. Mara­ming kailangang ipa-gawa at bilhin sa dis-oras ng gabi. A few days later, nag-text ang kaniyang doktor sa akin.

“Your father is a fighter. Alam mo bang binunot niya ang lahat ng kaniyang tubo sa katawan?”

Hinugot daw ang intubation para sa oxygen, tinanggal ang NGT para sa pagkain at mga karayom ng suwero. Pinuwersang alisin ang in-dwelling catheter at naglakad patungong banyo habang tumutulo ang dugo sa kaniyang ari sa kalagitnaan ng gabi.

“Uuwi na ako!” aniya.

Lahat kami, pati ang ICU nurses ay napanganga. Animo si John Wick ang peg niya. Duguan at puro pasa sa kakatusok pero handa nang mag-alsa balutan. The following day inilipat na siya sa regular room.

Salamat sa mga tumulong – Tita Glo, Allan, Steve, Gemma, Cheryl, Aljohn, Radly, atbp.

Salamat sa ­aking pamilya, staffs, sa mga dumalaw at mga nagpahatid ng dasal. Salamat sa brods, doctors, nurses, orderlies, atbp. Today is his 1st follow up day matapos ang ma-discharge sa hospital.

God is good!

WHAT TO DO SA HEART ATTACK

  1. Recognize the symptoms:
  • May mabigat sa dibdib.
  • May kirot sa batok, panga, sikmura, balikat hanggang braso.
  • Kapos sa pag­hinga.
  • Pagkaliyo, panghihina o himatay.
  • Pagpapawis ng malamig.
  1. Mga dapat gawin:
  • Kumalma at bigyan ng espasyong sapat ang pasyente.
  • Tumawag sa 911 (sinimulan ito ng PNP noong August 2016).
  • Tumawag sa inyong Primary Care physician or Family doctor.
  • Magpadala sa pinakamalapit na hospital. Huwag na sa pinakamoderno kung ito naman ay malayo.
  • Hanapin at ipa­inom ang kaniyang maintenance medicines.
  • Dalhin sa hospital ang mga dating reseta o gamot na ibinigay.
  • Perform CPR kung kinakailangan.

Next week, dahil nalalapit ito sa Father’s Day ay pag-usapan naman natin ang isa pang kondisyon ng panghihina ni “manoy” or Erectile Dysfunction. Subaybayan!

*Quotes

“Honor your father and your mother.”

– Commandment #5

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ­ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

Comments are closed.