(Kinasuhan sa pagkamatay ng motorista) 5 MEMPHIS POLICE OFFICERS SINIBAK

LIMANG Memphis Police Department (MPD) officers na sinasabing sangkop sa brutal na pagkamatay ng 29-anyos na motorista sa 201 Poplar, Memphis, Tennessee ang sinibak sa tungkulin bago kinasuhan, ilang araw ang nakalipas.

Base sa nailathala ng local TV station NBC 5, kinilala ang mga akusado na sina Tadarrius Bean, Demetrius Haley, Emmitt Martin III, Desmond Mills Jr. at Justin Smith na pawang sangkop sa brutal beating laban sa biktimang si Tyre Nichols.

Ayon sa abogado ng pamilya Nichols na si Antonio Romanucci, lumilitaw sa autopsy na ang biktima ay nag-suffer ng extensive bleeding dahil sa 3-minutong severe beating ng mga akusado sa traffic stop.

Nabatid na ang mga akusado na nahaharap sa kasong 2 counts of offical misconduct, 1 count of official oppression, 2nd-degree murder, aggravated assault-act in concert at 2 counts ng aggravated kidnapping.

Samantala, sina Haley at Martin ay kasalukuyang nakakulong na may piyansang $350K habang sina Smith, Mills at Bean ay naka-booked na may piyansang $250K.

Sa ulat ng Action News 5, si Miles na nagsilbi sa Shelby County bilang correction officer na may kaso rin noong 2016 bago naging MPD officer sa loob ng 6-taon habang sina Smith at Martin ay nagsilbi ng 5-taon samantalang sina Haley at Bean naman ay umabot lamang ng 2 at kalahating taon sa serbisyo sa MPD.

Bukod sa 5 MPD officers, 2 personnel naman ng Memphis Fire Department na nagsagawa ng initial care sa biktima ang ni-relieved of duty habangg isinasailalim sa internal investigation.

Ayon sa U.S. Attorney’s Office sa Western District of Tennessee, planong mag-press conference ng mga opisyal sa darating na araw isinasagawang investigation sa naganap na brutal na pagkamatay ng biktima laban sa mga kamay ng akusado. MHAR BASCO