MULI na namang nagpakita si James Yap ng veteran move upang pangunahan ang Rain or Shine Elasto Painters na manatiling buhay ang pag-asa na makapaglaro sa finals. Nakatabla ang Elasto Painters sa serye, 1-1, matapos ang 109-100 panalo laban sa Barangay Ginebra.
Si Yap ang rumatsada nang husto para makaresbak ang Rain or Shine sa Ginebra. Muling maghaharap ang dalawa ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Si King James ay gumawa ng 18 points, habang humataw si import Reggie Johnson ng 25 points. Nag-ambag naman sina Gabe Norwood ng 12 at Chris Tiu ng 11 points. Kung ang magiging laro ng RoS ngayon ay tulad noong Thursday, malamang ay muli nilang talunin ang Ginebra.
Lumabas na ang desisyon ng FIBA hinggil sa mga player na sangkot sa kaguluhan noong laro sa Philippine Arena. Pasalamat na lamang ang Gilas Pilipinas at Australia at hindi ‘ban’ ang ipinataw sa kanila ng FIBA kundi suspensiyon at multa lamang. Tatlong larong suspensiyon ang ipinataw kina Jayson Castro, Terrence Romeo, at Andray Blanche, habang sina Jio Jalalon, RR Pogoy, Troy Rosario at Carl Bryan Cruz ay suspendido ng limang laro.
Si Calvin Abueva ang may pinakamabigat na parusa na anim na larong suspensiyon at may one-game suspension naman sina Japeth Aguilar at Mat-thew Wright. Plus magbabayad ang Gilas ng P13,000 million. Pati sina asst. coach Jong Uichico at coach Chot Reyes ay suspendido rin ng tatlo at isang laro, ayon sa pagkakasunod, at pinagmumulta ng kalahating milyong piso.
Malaki ang posibilidad na muling masungkit ni Jun Mar Fajardo ng San Miguel Beer ang BEST PLAYER OF THE CONFERENCE. Kapag nakuha ni Fajardo ang naturang award ay breaking the record. ito. Ang mga kalaban niya sa naturang award ay sina Sean Anthony ng GlobalPort (21.9 SPs), Matthew Wright ng Phoenix (21.8 SPs), Marcio Lassiter ng SMB (21.2 SPs), Vic Manuel ng Alaska (20.8 SPs), at Jayson Castro ng TNT (20.5 SPs).
Comments are closed.