Standings:
W L
Rain or Shine 5 1
Alaska 4 1
TNT 4 1
Magnolia 3 1
Meralco 3 2
Columbian 3 3
GlobalPort 3 3
Phoenix 3 3
NLEX 2 4
San Miguel 1 3
Barangay Ginebra 1 3
Blackwater 0 7
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Columbian vs TNT
7 p.m. – Ginebra vs Meralco
SISIKAPIN ng Barangay Ginebra na buhayin ang sisinghap-singhap na kampanya sa PBA Commissioner’s Cup sa pagsagupa sa Meralco ngayon sa Mall of Asia Arena.
Nakatakda ang salpukan ng Kings at Bolts sa alas-7 ng gabi kasunod ng bakbakan ng Columbian at Talk N Text.
Masusubukan ang balik-import ng Ginebra na si Justin Brownlee, na pumalit kay Charles Garcia, matapos ang nakadidismayang 1-3 kartada ng crowd favorites sa import-laden tournament. Si Brownlee ang nagdala sa koponan sa back-to-back championships sa Governors Cup.
Si Brownlee ay kasasabak lamang sa ASEAN Basketball League, katambal ang balik-import din ng San Miguel Beer na si Renaldo Balkman, at pinangunahan ang Alab Pilipinas sa kampeonato.
“Needless to say, we’re all very happy that Justin is back with us and 100 percent healthy. He gives us, players and coaching staff, confidence and renewed energy, and we’re hoping his presence will get us over the hump this weekend,” wika ni Ginebra coach Tim Cone.
Ngunit kakailanganin ni Brownlee ang tulong ng Ginebra locals sa pagharap sa mapanganib na Meralco at kay import Arinze Onuaku.
Ang Kings ay nahaharap sa mabigat na weekend double-header laban sa Bolts ngayong araw at kontra San Miguel Beermen sa Linggo.
“We have a tough make or break weekend ahead and we need a sense of urgency since we’re pulling up the rear in the standings,” ani Cone.
Samantala, ang Bolts ay may 3-2 kartada sa solo fifth sa likod ng Rain or Shine (5-1), Alaska Milk (4-1), TNT KaTropa (4-1) at Magnolia (3-1).
Comments are closed.