KINGS, ELITE PALIT-IMPORT

PINABALIK ng Barangay Ginebra San Miguel at ng Blackwater ang kanilang mga dating import sa layuning makabangon sa PBA Commissioner’s Cup.

Pinalitan ni Justin Brownlee si Charles Garcia sa Ginebra na na­ngangailangan ng pagbabago matapos ang 1-3 simula sa torneo, habang si Henry Walker ay huma­lili kay Jarrid Famous sa pagsisikap ng Blackwater na mapanati­ling buhay ang pag-asa sa playoff sa kabila ng 0-6 kartada.

Ang dalawang ‘balik-imports’ ay magbabalik sa susunod na linggo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Commissioner’s Cup matapos ang All-Star festivities sa Davao, Batangas at Iloilo.

Makakaharap ng Blackwater ang NLEX sa Mayo 30 sa Smart Araneta Coliseum habang makakasagupa ng Ginebra ang Meralco sa Hunyo 1 sa Mall of Asia Arena.

Inaasahang ibabalik ni Brownlee ang winning ways ng Ginebra tulad ng ginawa niya sa huling dalawang seasons nang makopo ng Tim Cone-mentored squad ang back-to-back Governors’ Cup titles.

Kamakailan ay nakipagtambalan si Brownlee sa kasalukuyang reinforcement ng San Miguel na si Renaldo Balkman sa pagtulong sa Alab Pilipinas na masungkit ang ASEAN Basketball League title.

Si Walker, naglaro para sa New York Knicks at Boston Celtics, ay nasa kanyang ika-4 na PBA stint, kabilang ang Governors’ Cup noong nakaraang season kung saan umabot ang Blackwater sa quarterfinals. Nakatakda ­sanang simulan ng  dating Alaska at NLEX import ang kanyang stint sa Elite sa susunod na  conference.

Ang dalawa ang pinakabagong replacement imports na kinuha sa loob ng pitong araw makaraang kunin ng San Miguel si Balkman para palitan si Troy Gillenwater, pabalikin ng TNT KaTropa si Joshua Smith matapos pauwiin si eremy Tyler at i-activate ng Phoenix si Eugene Phelps at inilagay si James White sa injured list.

Hindi pa pinangangalanan ng Magnolia ang ipapalit nito kay Vernon Macklin, na lumagda ng kontrata para maglaro sa China.