KINGS RUMESBAK

ginebra vs blackwater

Mga laro ngayon:

Ynares Sports Arena- Pasig

2 p.m. – Meralco vs Rain or Shine

4:35 p.m. – Alaska vs Phoenix

NAKOPO ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa PBA Philippine Cup makaraang pulbusin ang Blackwater Bossing, 96-81, kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nanguna si Stanley Pringle para sa Ginebra na may 19 points habang nagdagdag si LA Tenorio ng 17, kabilang ang limang three-pointers, at 7 assists.

Nagbuhos si Prince Caperal ng 16 points at 11 rebounds at nag-ambag si Christian Standhardinger ng 11 points at game-high 19 rebounds.

Nagbanta ang Blackwater sa 86-81, may 3:22 ang nalalabi, ngunit bumanat ang Ginebra ng10-0 run para selyuhan ang panalo.

Bumawi ang Gin Kings sa 75-94 pagkatalo sa NLEX sa una nilang laro habang nalasap ng Blackwater ang ikatlong sunod na pagkabigo.  CLYDE MARIANO

Iskor:

Ginebra (96) – Pringle 19, Tenorio 17, Caperal 16, J.Aguilar 14, Thompson 11, Standhardinger 11, Chan 5, Dillinger 2, Devance 1, Ayaay 0, Enriquez 0, Hilmqvist 0.

Blackwater (81) – Tolomia 22, Enciso 16, Nabong 10, Magat 8, Daquioag 6, Desiderio 6, Amer 5, Paras 4, Semerad 2, Canaleta 2, Gabriel 0, Dennison 0, Escoto 0, Acuno 0

QS:  21-13, 45-32, 69-67, 96-81.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *