PAMPANGA–ISANG Malaysian national na dinukot ng dalawang naarestong banyaga na kapwa POGO workers ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group sa isang entrapment operation sa Mabalacat ng lalawigang ito kahapon ng umaga.
Nadakip ang mga suspek na sina Rano Herman, isang Indonesian, at Ong Way Plak, isang Malaysian matapos tanggapin ang hininging ransom.
Ayon kay Police Maj. Rannie Lumactod ng Anti-Kidnapping Group, casino at Philippine Offshore Gaming Operation related ang ginawang pagdukot sa biktimang si Lee Jun Sheng na isang Malaysian national.
Nabatid na magkakasama sa trabaho ang mga suspek at biktima na nais nang umuwi ng kanilang bansa, subalit dahil may utang hindi ito pinayagan at kinostodiya muna ng kanilang kompanya saka ibinenta sa ibang POGO para gawing alipin pero ibinalik din sa kompanya.
Dito na nagsimulang manghingi ng pera ang mga suspek sa mga kamag- anak ng biktima sa Malaysia na noong May 22, 23 at 24 ay nakakuha ng 500k, 300k at 300k yuan bilang kabayaran sa board and lodging ng biktima.
Subalit, nitong Hulyo ay muling nanghingi ng pera ang kidnappers ng 500k yuan pero napababa ito sa 12k yuan.
Sa pangyayaring ito, nagpasya ang pamilya na dumulog sa embahada ng Filipinas at agad na ipinarating sa PNP Anti-Kidnapping Group ng mga kinatawan ng Malaysian Embassy.
Dito inilatag ng PNP-AKG ang isang entrapment operation sa parking area ng isang mall sa Malabanias, Angeles City. VERLIN RUIZ
Comments are closed.