(Kinokonsidera ng ADB) $400-M AYUDA SA MARAWI REHAB

war town marawi

PINAG-AARALAN ng multilateral lender Asian Development Bank (ADB) ang pagkakaloob ng $400-million relief package upang makatulong sa rehabilitasyon ng war-torn Marawi City.

Ayon sa ADB, tinalakay ng vice president nito na si Stephen Groff kung paano makatutulong ang lender sa rehabilitasyon sa isinagawang pagbisita sa Marawi noong Martes.

“ADB is committed to helping rebuild the city of Marawi into a thriving economic center where people live in peace and prosperity,” sabi ni Groff.

“We are preparing a comprehensive assistance package that seeks to help ease the adverse social impact of the armed conflict on the city and its residents,” aniya,

Sinabi ng ADB na ang final assistance package ay inaasahang maaaprubahan at lalagdaan sa unang linggo ng Disyembre.

“ADB is preparing to help restore water utilities and health infrastructure, improve the delivery of social services, and provide livelihoods to affected residents of Marawi in Lanao del Sur province,” wika pa ng lender.

Sa pagtaya ng pamahalaan, ang rehabilitasyon ng Marawi ay magkakahalaga ng hindi bababa sa P72 billion, kung saan ang P17.2 billion ay gagamitin sa pagpapaunlad ng pinakaapektadong lugar, at P55 billion sa ibang bahagi ng lungsod at mga bayan ng Butig at Piagapo sa Lanao del Sur.

Comments are closed.