(Kinokonsidera ng gobyerno) 4-DAY, FLEXI WORK PLANS

Rep-Karlo-Nograles

PINAG-AARALAN ng pamahalaan ang four-day workweek para sa  government workers at ang flexible work arrangements upang makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), gayundin sa pagkawala ng trabaho.

Ito ay ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, na sa isang panayam kahapon ay sinabing, “As far as the Civil Service is concerned, they are discussing the adoption of a four-day workweek as one of the measures that the Civil Service can do in terms of government workers.”

Ang mga klase sa Metro Manila ay sinuspinde mula Marso 10 hanggang Marso 14 bilang bahagi ng hakbang na maiwasan ang transmission ng COVID-19 makaraang umakyat sa 24 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bansa noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Nograles, miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­sease, ang suspensiyon ng mga klase sa Metro Manila ay maaaring palawigin o alisin batay sa magiging kaganapan ngayong linggo.

“As far as employees in the private sector are concerned, the Department of Labor and Employment just recently issued a labor advisory that regulates flexi-work arrangements,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni Nograles, ang nasabing abiso ay upang i-discourage ang mga negosyo na magtanggal ng mga empleyado, at sa halip ay magpatupad ng flexi-work arrangement.

Aniya, partikular itong applicable sa industriya ng turismo, na grabeng naapektuhan ng outbreak.

Binigyang-diin ng dating mambabatas mula sa Davao na hinihikayat ng pamahalaan ang pri­badong sektor na iwasang magtanggal ng mga empleyado dahil sa epekto ng COVID-19 outbreak.

“At one point we will be able to control this. So what’s happening now in the tourism and travel industry would be considered temporary; because it’s temporary we don’t need to retrench or fire workers,” ani Nograles.

Comments are closed.