(Kinokonsidera ni PBBM) RICE ALLOWANCE SA GOV’T EMPLOYEES

IKINOKONSIDERA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibigay ng rice allowance sa lahat ng nagtatrabaho sa gobyerno.

Pahayag ito ng Pangulo kasunod ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

Nais aniya na matiyak na may sapat na bigas ang bawat pamilyang Pilipino.

Inamin ng Pangulo na dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin, maraming magulang ang hirap na mapag-aral ang kanilang mga anak.

Balak ng Pangulo na maging bahagi na ng ibinibigay na suweldo sa mga kawani ng pamahalaan ang regular na suplay ng bigas.