(Kinokonsidera sa ilalim ng Alert Level 4) REOPENING NG MASSAGE PARLORS

KINOKONSIDERA ng pamahalaan na payagan ang operasyon ng iba pang personal care services sa ilalim ng Alert Level 4 para mas marami ang makabalik sa trabaho at mapasigla ang ekonomiya na labis na naapektuhan ng pandemya.

“Kino-consider ng IATF (Inter-Agency Tak Force) ang pagbubukas ng ibang activities pa,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa state-run PTV’s Laging Handa.

“For Alert Level 4, ‘yung mga iniisip pa na mga activity na puwedeng i-reconsider, ito ‘yung mga naiwan pa na mga other personal care services… as long as merong mga safety protocols na ino-observe ay i-allow na rin po ‘yan,” aniya.

Ani Lopez, kabilang dito ang therapeutic establishments o massage parlors.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 4 hanggang Oktubre 15.

Sa ilalim ng naturang alert level, ang personal care services tulad ng barbershops, salons, at nail care service establishments ay pinapayagang mag-operate sa 20% indoor capacity ngunit para lamang sa mga fully vaccinated customer habang ang outdoor services ay may 30% venue capacity, bakunado man o hindi ang customer.

Pinapayagan din ang Indoor dining o dine-in services sa 20% capacity para sa mga bakunado, habang ang outdoor o al fresco dining ay pinahihintulutan sa 30% capacity, anuman ang vaccination status ng customer.

Nadagdag din ang fitness centers at gyms sa listahan ng mga negosyo na pinayagang mag-operate sa ilalim ng Alert Level 4, bagama’t sa 20% capacity at magpapatupad ng four-meter distancing sa mga customer.

“Marami ring nasa ganyang industriya, maraming trabaho ang nag-aantay diyan na makabalik,” anang DTI chief.

“Very limited ang nasama sa personal care services, so ang nire-reconsider po ‘yung other personal care services sa Alert Level 4,” dagdag pa niya.

113 thoughts on “(Kinokonsidera sa ilalim ng Alert Level 4) REOPENING NG MASSAGE PARLORS”

Comments are closed.