KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isa pang Pilipino ang nasawi sa nagpapatuloy na sigalot ng Israel-Hamas.
Ang nasawi ay isang 49-anyos na caregiver mula sa Negros Occidental.
“Nakikiisa kami sa bansa sa pagpapaabot ng aming pinakamalalim na pakikiramay sa pinakabagong nasawi,” pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega sa isang press briefing.
May tatlo pang nawawalang Pinoy, ngunit optimistiko ang DFA na sila ay matatagpuan.
Kabilang sa mga nasawi ay ang Filipina nurse na nakatalaga sa Kibbutz Kfar sa Gaza.
LUISA GARCIA