(Kinumpirma ng DOH) LOCAL TRANSMISSION NG DELTA VARIANT

MAY local transmission na ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kamakalawa ng gabi matapos na lumitaw sa phylogenetic analysis na isinagawa ng University of the Philippines – Philippine Genome Center, at case investigation ng DOH Epidemiology Bureau at ng regional at local epidemiology and surveillance units, na ang mga clusters ng Delta variant cases ay may kaugnayan sa iba pang lokal na kaso.

“Clusters of Delta variant cases were seen to be linked to other local cases, therefore, exhibiting local transmission,” ayon sa pahayag ng DOH.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng DOH ang pangangailangan sa patuloy na pagpapatupad ng mas istriktong border control measures at pagpapaigting pa ng local COVID-19 responses.

Nitong Huwebes, una nang kinumpirma ng DOH na may 12 bago pang Delta variant infections silang naitala, kaya’t umaabot na sa 47 ang kabuuang kaso nito sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walo sa mga ito ang nanatiling aktibong kaso pa at naka-quarantine muli. Lahat umano ng mga pasyente ay hindi pa vaccinated.

Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na maging mas maingat at istriktong sumunod sa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pag-obserba sa physical distancing, at pag-iwas sa mass gathering.

Pinayuhan din ang mga mamamayan na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang maprotektahan sila laban sa virus.

Tiniyak naman ng DOH na pinaghahandaan na nila sa ngayon ang posibleng panibagong surge ng mga kaso ng sakit dahil sa Delta variant. Ana Rosario Hernandez

CLUSTERS NG DELTA VARIANT NAKITA SA MINDA

Sa Northern Mindanao at lalawigan ng Antique nadiskubre ng Department of Health (DOH) ang clusters ng Delta variant ng COVID-19 cases.

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa Northern Mindanao ay may nakita silang family cluster habang nagkaroon naman ng hawahan ng Delta variant sa Antique dahil sa isang returning overseas Filipino (ROF).
“Nakita na po natin ‘yung cluster of infection sa Northern Mindanao, nakita po natin na ito ay family cluster. Nakita rin po natin na merong cluster of infection dito sa Antique,” ayon kay Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na ang family cluster ay nagmula sa isang indibidwal na galing sa trabaho at naihawa ang kanyang mga kasama sa bahay.

Ang isa pang cluster aniya ay kinasasangkutan ng isang returning overseas Filipino (ROF) na umuwi sa Pilipinas nang mamatay ang kanyang nanay. May isang indibidwal aniya na dumalo sa lamay ang nahawa ng virus variant at siyang nakapanghawa ng iba pang tao.

Ani Vergeire, ang iba pang Delta cases ay may kaugnayan sa ROFs.

Anang health official, sa ngayon ay inaalam na ng DOH kung paanong kumalat ang Delta variant.

Ipinaliwanag niya na ang lahat ng incoming travelers ay nire-require namang sumailalim sa quarantine at COVID-19 testing kahit ano pa ang vaccination status nito.

Ilan aniya sa pinag-aaralan niya ay kung nagkaroon ba ng breach o paglabag sa mga protocols o ‘di kaya ay walang assessment na nangyari bago pinayagang makalabas mula sa quarantine ang pasyente.

“Maybe there were breaches [in protocol], maybe there were no assessments when they were discharged. These are the things that we are assuming right now,” aniya pa.

“Patuloy nating pag-aaralan lahat ito… so that we [would] be able to further improve ‘yung strategies na pinapatupad natin so that there won’t be breaches at ma-manage po natin at ma-control ang further spread of this infection,” dagdag pa niya. Ana Rosario Hernandez

83 thoughts on “(Kinumpirma ng DOH) LOCAL TRANSMISSION NG DELTA VARIANT”

  1. 123260 501189Exceptional weblog here! Furthermore your site rather a good deal up quick! What host are you the usage of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my site loaded up as quick as yours lol 401781

  2. 631757 525634The subsequent time I read a weblog, I hope that it doesnt disappoint me as a whole lot as this one. I mean, I know it was my option to read, but I truly thought youd have something attention-grabbing to say. All I hear is really a bunch of whining about something which you possibly can repair need to you werent too busy on the lookout for attention. 672775

  3. 101775 301893Aw, this became an extremely nice post. In concept I would like to set up writing like that moreover – taking time and actual effort to produce a fantastic article but what / points I say I procrastinate alot by way of no means appear to get something completed. 700786

Comments are closed.