NAKA-ISANG taon na ang restaurant business ng komedyanang si Kiray Celis.
Booming ang kanyang negosyong Chicks and Fins at may plano pa silang mag-expand ng kanyang business partner.
Co-owner ni Kiray ang kanyang non-showbiz boyfriend.
“Sabi niya kasi, para meron daw po akong fallback. Kahit hindi na ‘ko artista, meron pa rin akong pupuntahan,” pagbabahagi niya.
Sey ng iba, kailangang mahaba raw ang pisi ng isang tao sa pagnenegosyo. Ito raw ang natutunan niya sa kanyang nobyo.
Nagbigay rin ng payo ang actress sa mga nagbabalak na magtayo ng negosyo.
“Don’t give up. Kasi ‘yung iba, ‘pag nag-umpisa sila nang ganito tapos hindi nag-click, tumitigil sila. Hindi naman lahat ng business magki-click talaga eh. Hanapin mo kung ano ‘yung patok at kung tatagal,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, mas hands on daw sa pamamahala ng kanilang negosyo ang kanyang boyfriend dahil mas naka-pokus siya sa financing side.
Wala rin daw nakikitang conflict si Kiray na ang business partner niya ay ang kanyang nobyo.
“Nasa intindihan ninyo iyon. Iyong iba, nagsasabi hindi advisable pero ako naman, depende na rin iyon sa tao,” makahulugan niyang pahayag.
Hirit pa niya, naniniwala rin siyang puwedeng pagsabayan ang lovelife at career sa isang taga-showbiz na tulad niya.
Aware rin siya na may mga showbiz couple na nagkaaway dahil sa pera pero para sa kanya, napakalaki ng tiwala niya sa kanyang katuwang sa ngayon.
Si Kiray ay kasama sa Kapuso teleseryeng “Love You Two” na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.
Malapit na rin siyang mapanood sa comedy na “Kiko en Lala” na launching film ni Super Tekla at iprinudyus ng GMA Pictures.
MANONG JOHNNY PINATAY SA SOCIAL MEDIA
HINDI ikinatuwa ng anak ni former Senator Juan Ponce Enrile ang kumalat na fake news tungkol sa kanyang ama.
Nakasaad kasi sa meme na sumakabilang-buhay na ang dating senador sa edad na 95.
Sa pamamagitan ng Instagram, umalma ang anak ni Enrile na si Katrina Ponce Enrile.
Ayon kay Katrina, isa itong “bad joke.”
May idea rin daw si Katrina sa identity ng taong nagkalat ng malisyosong balita, pero hindi siya nagbanggit ng pangalan.
Ito ang buong pahayag ni Katrina:
“My father is still alive. It’s alarming to get so many messages asking me if my dad just passed away. He is actually eating right now.
“I know who started this vicious fake news. Do you want me to name you?
“Please have a heart and stop! Have a heart and leave us alone! If you think this is a joke, it’s a bad joke.
“You are a heartless human being to think that it even constitutes as being humorous or entertaining! And if you wish that upon anyone, then shame on you!
“I understood your caption but it’s totally malicious and meant to mislead people.
Comments are closed.