KIRAY CELIS MALABO PANG PAKASAL SA NON-SHOWBIZ BF

MALAYO pa sa isip ni Kiray Celis ang magpakasal sa non-showbiz and business partner niya na reflectionboyfriend more than a year now. Plano niya kapag 34 years old na siya saka siya magse-settle down.

“Gusto ko munang i-enjoy ang sarili ko. Gusto ko’ng makapag-ipon para bago ako ikasal or bago ako magkaanak, hindi mangyari sa akin katulad ng buhay ko na naghihirap kami noon. Na kaila­ngan na ako pa mismo ang magtrabaho para sa family ko. Ayokong mangyari ‘yun sa anak ko,” bungad ni Kiray.

Nakausap namin si Kiray sa presscon ng action-horror movie na “Class of 2018”  directed by Bems Gohetia and showing on November 7.

Hindi naman daw li­ngid sa marami na siya ang nagpaaral sa mga kapatid niya pati mga pamangkin. Sa kanya raw nakatira ang mga kapatid at pamangkin niya.

“Ngayon, I realized na hindi pala puwedeng wala kang tinitira para sa sarili mo.

“Hindi ko masasabi ‘yung buhay ko kung hanggang kailan din ang trabaho ko. Kung hanggang kailan ako kukunin? Baka to-morrow, ‘Ay, buntis na ako?’ ‘Di ba may mga ganyang bagay? So, wala ako’ng naitira para sa sarili ko. Lahat binigay ko buong-buo sa pamilya ko,” paliwanag ni Kiray.

‘Yung kinikita raw niya sa kanyang Chicks and Finns resto na matatagpuan sa Mendiola ang sini-save niya for her future. And the rest of her income sa showbiz,’yun daw ang napupunta for her family.

Kabibili lang daw niya ng bagong bahay para sa pamilya niya. Apat na floors daw ‘yun kung saan ‘yung tatlong floors ay pina-paupahan nila. Plano rin niyang bumili ng bagong kotse para sa  kanila.

“Kung sapat na po ang naipon ko? Going there and I’m so thankful kasi nu’ng naisip ko na gawin ito para sa sarili ko, hindi na-tatapos ‘yung trabaho ko. Wala pa ako’ng sari­ling bahay kasi inuuna ko ang pamilya ko. Mas importante sila sa akin.”

About her non-showbiz boyfriend, matagal na raw silang magkakilala. Hanggang sa nagkaroon ng chance na makapag-usap sila at bumilib naman siya doon sa guy. Okey daw palang kausap ‘yung guy at pareho sila ng ugali.

Nilinaw naman ni Kiray na kahit mag-partner sila sa negosyo, joint account na rin sila sa bangko. Kanya-kanya pa rin daw sila ng pera ng boyfriend niya.

Anyway, sobrang happy si Kiray na nagkasama-sama ulit sila ng mga original members ng “Goin’ Bulilit” sa bagong movie of-fering ng T-Rex Entertainment titled “Class of 2018.”

Bida sa movie ang da­ting magkalabtim na sina Sharlene San Ped­ro at Nash Aguas, plus si Kristel Fulgar at ang da­ting kalab-tim ni Kiray sa ‘Goin’ Bulilit’ na si CJ Navato.

“Parang hindi kami umaarte at all. Ang sarap ng pakiramdam na ‘yung mga kababata mo, e, katrabaho mo. And, kami kasi ni Nash meron ding resto. Kaya sobrang grown-up na kami. Hindi na laruan, hindi na ‘yung mga crush-crush ang pinag-uusapan namin kundi ‘yung tungkol na sa franchise ng resto,” ngiti ni Kiray.

Pinaka-close daw siya among her batch sa GB kay CJ dahil loveteam sila before. Pero ngayon, kay Kristel na ipinapares si CJ.

“Wala naman ako’ng paki (sa loveteam nina Kristel and CJ),” biro ni Kiray. “Sa kanya na (si CJ). Buong-buo. Hahaha!”

KAKAIBANG BELA PADILLA ANG NAPANOOD SA MMK

BELA PADILLAKAKAIBANG Bela Padilla ang napanood ng televiewers sa Halloween episode ng programa ni Charo Santos, ang “Maa­laala Mo Kaya,” last Saturday. Ginampanan ni Bela ang real-life character na si Charo Abraham na ipinanganak sa Magallanes, Sorso-gon.

Nagbago ang takbo ng buhay ni Charo nu’ng bigyan siya ng anting-anting ng isang matandang lalaki sa Tawi-Tawi. Hanggang sa namatay ang ama niya at kung ano-ano ng pagsubok ang sinapit niya sa kanyang buhay.

Ang episode ni Bela sa MMK ay sinulat ni Joan Habana, ni-research ni Chona Marie C. Catibog, si Arah Jell bilang head writer at sa direksiyon ni Nuel C. Naval.