BUMAGSAK ang ilang bahagi ng kisame sa loob ng food court sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon ng madalikng araw.
Dahil dito, nangangamba ang ilang stall owner sa loob ng kainan na posibleng may mga kisame pang bumagsak sanhi na rin ng kalumaan na ng mga plywood na ikinabit dito.
Ayon sa report ng NAIA Media Affairs Division, walang napaulat na nasaktan sa aksidente dahil wala pang nag-o-operate na mga tindahan dulot ng COVID-19 pandemic.
Bilang alternatibo upang makaiwas sa maaring mangyari, pansamantalang nilagyan ng mga tauhan ng Manila International airport authority (MIAA) ng suportang kahoy ang ilang parte ng kisame para mapigilan na mahulog o bumagsak ang mga ito.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng assessment ang mga tauhan ng engineering department ng MIAA kaugnay sa nasabing insidente. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.