KITA NG ALPHALAND SUMIPA SA FIRST HALF

ALPHALAND

TUMAAS ang kita ng Alphaland sa first half ng taon sa P3.36 billion mula sa P781 million sa kaparehong panahon noong 2017.

Ang pagtaas ay sa likod ng masiglang reservations para sa Baguio Mountain Lodges Project nito at sa bagong Balesin Private Villa sales. Bukod dito, humataw rin ang rental incomes sa Alphaland Southgate Tower at Alphaland Corporate Tower.

Plano ng Alphaland na magpakilala ng 2- at 3-bedroom lodges sa Baguio project nito, na ibebenta ng kalahati sa presyo ng kasalukuyang large 4-, 5- at 6-bedroom lodges. Inaasahang magreresulta ito sa mas malakas na benta para sa second half ng taon.

Ang Alphaland ay nagtatayo rin ng apat pang  Balesin private villas, na ibebenta sa malalaking korporasyon para gamiting insentibo sa kanilang mga kos­tumer. Ang naturang private villas ay makokompleto bago matapos ang taon.

Bukod dito, inilunsad ng Alphaland sa kaagahan ng taon ang isang 250-room luxury serviced apartments project, an Alpha Suites. Sa loob lamang ng tatlong buwan ay nakapag-ambag na ito sa ‘profitability’ ng kompanya.

Ang Alphaland Corporate Tower sa Makati Place na may 27,000 square meters ay pinauupahan nang lahat ngayon.

“Alphaland continues to have a strong balance sheet with debt being only 8.6% versus equity of 91.4%, the opposite of most property development companies.”

Ang equity ng Alphaland hanggang katapusan ng Hunyo 2018 ay nasa P64.7 billion.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng kompanya ang ilang foreign investors (karamihan ay mula sa Thailand at China) na interesadong mag-invest sa Alphaland. Sa kasalukuyan ay walang investment agreement na na­lagdaan.

Comments are closed.