KITA NG CUSTOMS SISILIPIN

House Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta

PINASISIYASAT ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang nawalang kita ng gobyerno sa Bureau of Customs mula 2016 hanggang 2017.

Ito ay matapos na pag-aralan ni Marcoleta ang sistema at mga record ng BOC matapos ang isinagawang imbestigasyon noon ng Kamara sa nailusot na P6.4 billion shabu shipment.

Ayon kay Marcoleta, aabot sa P234 billion ang nawalang kita ng pamahalaan mula Enero 2016 hanggang Nobyembre 2017 dahil sa mga nailulusot na kontrabando at mga pekeng produk-to.

Itinuturo ng kongresista sa nakagawiang matagal na sistema sa BOC na “benchmarking” at “tara system” ang pagkalugi ng pamahalaan.

Nakakuha umano si Marcoleta ng sapat na impormasyon na pinapalitan at pinepeke ng mga customs broker ang mga dokumento at packing list ng mga shipment kaya mas mababa ang bin-abayaran na duties at taxes gayundin ay mabilis na naire-release ang mga kargamento.

Humingi rin ng tulong ang kongresista  sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Bureau of Internal Revenue na magsagawa ng imbestigasyon at auditing sa 283 importers, 166 customs brokers, 272 examiners at 145 appraisers para mabawi pa ang nawalang re­venue ng pamahalaan.  CONDE BATAC