KITA NG GOV’T LUMOBO

DOF

TUMAAS ng 20 porsiyento ang total revenues ng pamahalaan sa unang anim na buwan ng taon matapos na ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa isang advisory na ipinalabas ng DOF, ang total revenues sa first semester ay naitala sa P1.410 trillion, mas mataas ng 19.9 percent mula sa P1.176 trillion sa kaparehong panahon noong 2017.

Ang tax revenues ay tumaas ng 17.4 percent sa P1.254 trillion kung saan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagtala ng  P964.5 billion; Bureau of Customs, P279.4 billion; at iba pang collecting agencies ng P10.9 billion.

Samantala, ang non-tax revenue ay umangat ng 45.1 percent sa P155.7 billion mula sa P107.3 billion na naireshisto sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

“Fiscal space expanded by TRAIN 1 and tax administration enabled government to boost investments and growth in the first semester,” paliwanag ng DOF.

Nilagdaan ni ­Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Disyembre ang TRAIN Law na nagpapalawak sa va­lue-added tax (VAT) base at nagbababa sa personal income taxes (PIT) simula noong Enero.

“Strong macroeconomic fundamentals backed by tax reforms and the Build, Build, Build program will continue to boost economic growth as the competitiveness of the economy rises and more jobs are created,” dagdag pa ng DOF.

Comments are closed.